top of page

Tikom ang bibig sa gulo sa Ball… DANIEL, KYLE, RICHARD AT JK, BINUSALAN NG ABS-CBN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 9
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 9, 2025



Photo: Daniel Padilla, Kyle Echarri, Richard Gutierrez at JK - Instagram


Maraming Marites ang abangers ngayon sa pagsasalita nina Daniel Padilla, Kyle Echarri, Richard Gutierrez, JK Labajo at Kathryn Bernardo kaugnay ng napabalitang gulo na nangyari sa after party ng ABS-CBN Ball nu’ng April 4 sa Seda Vertis North.


May iba’t ibang bersiyon na kasing kumakalat sa social media kung sino ang nagsimula at paano umabot sa muntikan nang suntukan ang pagkakainitan nina Daniel at Kyle, na nasundan nga ng balitang “nasapok” diumano ni Richard si JK bilang pagtatanggol kay Daniel matapos na sulsulan daw ng Buwan singer ang kaibigan namang si Kyle para komprontahin ang ex ni Kathryn.


May source kaming pinagtanungan kung bakit wala pang nagsasalita sa mga pangalang nabanggit sa gulo, at ayon dito, malabong magbigay ng pahayag ang mga involved dahil pinagsabihan na raw sila ng mga bosses na ‘wag nang magsalita para ‘di na lumaki pa at pagpiyestahan ang issue.


Pare-pareho nga namang Kapamilya ang mga involved at tulad sa isang pamilya, kung may naging problema man o ‘di pagkakaintindihan, dapat na lang itong i-settle internally at hindi na nga naman kailangang ilabas pa para sawsawan lang ng mga Marites.


 

Kathryn, kumare lang daw ng young actor…

XIAN, IPINAGKALAT NA MAY RELASYON SINA KYLE AT PIOLO, 25 YRS. DAW ANG AGE GAP


PERO heto na. Kung tikom man ang bibig ng mga Kapamilya stars na nabanggit namin, umeksena na naman ang Pambansang Marites na si Christian Albert Gaza a.k.a. Xian Gaza at may bago itong pasabog sa kanyang latest Facebook post.


In fact, pinick-up na nga ng ilang netizens at Facebook pages ang laman ng FB post ni Xian na ganito ang nakasaad, “FAKE NEWS! Gawa-gawa lamang ito para pag-usapan ang ABS-CBN Ball 2025. Wala ding namamagitan kay Kathryn Bernardo at Kyle Echarri. Hindi sila talo. Magkumare lamang sila. Ang totoong karelasyon ni KE ay si PP. Higit 25 years ang age gap.”


Pa-blind item man ang pagbibigay ng detalye ni Xian tungkol sa diumano’y totoong

karelasyon ni Kyle Echarri, maraming netizens pa rin ang nakahula na si Piolo Pascual ang tinutukoy ng Pambansang Marites sa ibinigay nitong initials na PP.


May ilang buwan na rin kasing pinagpipiyestahan ng mga netizens ang pagkaka-link ng dalawang aktor dahil sa sobrang closeness daw nila.


Pero knowing Papa P, hindi na nito papatulan ang pag-iingay na ito ni Xian Gaza.

Remember, kung si BB Gandanghari na nga lang na mega-kuwento noon tungkol sa diumano’y ‘past’ nila ni Papa P., eh, dumedma lang nang bongga ang Ultimate Heartthrob, ngayon pa ba siya maba-bother?


Baka nakakalimutan n’yong friend ni Piolo si Toni Gonzaga na “Unbothered Queen”, kaya puwedeng inspired dito si Papa P. at siya naman ang taguriang “Unbothered King”!

Devah, devah?!!!


At kahit ano pang sabihin ng iba at kahit ano’ng subok ng ilan d’yan na ibagsak si Piolo Pascual, Piolo Pascual is Piolo Pascual, ‘no!

Bahala kayo d’yan! Hahaha!


 

Pararangalan muli ng World Class Excellence Japan Awards (WCEJA) 2025 ang mga indibidwal na nagpakita ng husay at dedikasyon sa iba’t ibang larangan.


Idaraos ang parangal sa dalawang malalaking okasyong gaganapin ngayong taon.


Bukas, Abril 10, 2025, sa The Heritage Hotel Manila, idaraos ang ika-13 WCEJA World Class Charity Concert at Red-Carpet Awarding Ceremony Tribute-Dinner.


Ang ikalawang selebrasyon naman ay nakatakda sa Oktubre 8, 2025 sa Hakata New Otani Hotel sa Fukuoka, Japan.


Bukod sa pagdaraos ng ika-14 na WCEJA awarding ceremony sa nasabing bansa, gugunitain din ang ika-9 na anibersaryo ng WCEJA sa Japan.


Ang WCEJA ay itinatag ng multi-awarded singer, beauty queen at pilantropo na si Emma Cordero-Toba na mas kilala bilang Emcor, ang Asia’s Princess of Songs na kinoronahang Woman of the Universe–Mrs. Universe 2016.


Sa loob ng mahigit tatlong dekada, namuhay siya nang masaya at produktibo sa Japan bilang Chairman ng NPO Houjin Aiwo Agetai I Wanna Give Love Foundation, na nagbibigay-suporta sa edukasyon at sa mga nangangailangan.


Ayon kay Emma, ang WCEJA ay hindi lamang parangal kundi isang adbokasiya niya sa pagkilala ng mga tao na naglingkod sa madla sa iba’t ibang larangan sa paraang tapat sa puso ang serbisyo at pagbibigay-tulong sa kapwa.


Ilan sa mga pararangalan ng WCEJA 2025 ay sina:

Nora Aunor – National Artist, World Class Icon of Philippine Cinema 2025


PCSO Director Imelda Papin – Undisputed Jukebox Queen & World Class Ambassador of Charity 2025


Sen. Manuel “Lito” Lapid – Most Outstanding Public Servant & Best Actor 2025 (Batang Quiapo)


PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta – Most Outstanding Judicial Lawyer-Philanthropist of the Year


Pilita Corrales –2025 World Class Queen of Songs & Lifetime Achievement Award (Asia’s Queen of Songs)


Gem Castillo – Most Outstanding Public Servant 2025


Maffi Papin – Most Outstanding Multi-Performer 2025


John Rendez – Remarkable Singer, TV and Film Actor 2025


Florentino “Florence” Macawile – Outstanding Public Servant


Kyline Alcantara – Best Supporting Actress 2025 (Shining Inheritance)


Derrick Monasterio – Most Outstanding TV Host, Actor, and Singer of the Year


Sheryl Cruz – Asia’s Outstanding TV Actress of the Year


Bukod sa pagbibigay ng parangal sa mga natatanging achievers, bahagi rin ng WCEJA ang pagsuporta sa edukasyon at kawanggawa sa pamamagitan ng scholarship programs.


Tampok din sa gabi ng parangal ang paghirang sa World Class Kings and Queens 2025 at ang pagbibigay ng mga espesyal na titulo tulad ng Best Dressed of the Night, Queen and King of the Night, at Hero of the Night.


Isang gabi ng inspirasyon at pagkilala sa mga natatanging Pilipino at global achievers! Mabuhay ang World Class Excellence Japan Awards 2025 and congratulations sa lahat ng awardees.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page