top of page
Search
BULGAR

Tigresses sinagpang ang Red Warriors, Poyos bida

ni Gerard Arce @Sports | April 21, 2024




Nagpakawala ng bangis at ngitngit ang University of Sto. Tomas upang sagpangin ang walang kalabang-labang University of the East sa bisa ng 25-19, 25-9, 25-17 straight set upang paigtingin ang tsansa ng koponan sa paghahangad sa isang puwesto sa top spot para sa twice-to-beat bentahe sa 86th UAAP women’s volleyball tournament, kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.


Binalingan ng Golden Tigresses ang UE matapos na malasap ang masaklap na pagkatalo sa 5th set sa Far Eastern University sa pamamagitan ng 9-25, 25-19, 21-25, 25-20, 10-ational University sa 11-2 kartada para tumibay ang pwesto sa twice-to-beat.


Nanguna sa hatawan si super-rookie outside hitter Angge Poyos na tumapos ng game-high 25 points mula sa 21 atake, tatlong aces at isang block sa loob ng 82 minutong aksyon para pangunahan ang Golden Tigresses sa panibagong panalo. Nagtala rin ang 20-anyos na power-hitter ng panibagong rekord bilang pinkamataas na rookie na naglista ng 268 puntos para higitan ang ginawa ni Faith Nisperos noon sa 267 puntos para sa Ateneo Blue Eagles.


“Masaya ako kasi nakabalik ako ng one hundred percent and ayun nga, bounce back win for us kasi nga marami kaming galaw sa FEU na hindi tama. So ayun, binalikan ulit namin and nag-training kami ulit. Thankful kasi nakuha namin yung panalo,” pahayag ni Poyos.


Matapos makuha ang first set ay nagpamalas ng matinding bagsik sa opensa ang UST ng ilista ang 15-puntos na kalamangan, na kinakitaan ng malupit na down-the-line na atake ni Poyos tungo sa 22-7 na bentahe. Nagawa pang makapuntos ni rookie Cassiey Dongallo, subalit tinapos ni Poyos ang laro sa pamamagitan ng 25-9 panalo.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page