top of page
Search

Tigresses, pasok na sa Final 4, isa na lang, finalist na ang NU

BULGAR

ni Delle Primo / VA - @Sports | June 8, 2022



Naiposte ng University of Santo Tomas (UST) ang kanilang ika-9 na panalo sa UAAP Season 84 women’s volleyball na nagbigay sa kanila ng tiket papasok sa Final 4.

Winalis ng Tigresses ang determinadong UE Lady Warriors, 26-24, 25-18, 25-19, sa kabila ng mga errors na naitala nila kahapon sa Mall of Asia Arena upang umangat sa 9-4 na baraha.

Nalasap naman ng Lady Warriors ang kanilang ika-13 pagkatalo sa loob ng sindaming laro.


Naglaro ang UST na wala ang headcoach na si Kungfu Reyes dahil sa may inasikaso itong mahalagang bagay at pansamantalang humalili sa kanya ang assistant coach na si Yani Fernandez.


Samantala, nalasap ng Lady Warriors ang ika-13 pagkatalo ngayong season. Masigla rin ang simula ng UE at nakalalamang pa sa laban hanggang final stretch ng opening set, 24-23. Pero hindi pumayag si Imee Hernandez at umiskor ito sa gitna ng laban at ipatas sa 24-all ang iskor bago sumadsad si Janeca Lana sa dalawang straight attack errors at bigyan ng set ang UST.


Pinakabog pa ng Lady Warriors ang UST pagdating sa second frame sa 16-15 lead pero pumalag ang Tigresses sa 9-1 run matapos ang technical timeout, kasunod ng back-to-back aces ni Tin Ecalla sa 24-17.


Samantala, nalusutan ng National University ang pagwawagi kontra Far Eastern University, sa loob ng straight sets, 26-24, 25-17, 25-19, 25-10 para sa malinis na 13-0 rekord upang makaisang hakbang na lang para diretso na sila sa finals.

Hindi nagbigay ng pagkakataon ang Lady Bulldogs matapos ang pangunguna ng Lady Tamaraws sa 24-26 ng unang set.

Pinangunahan Michaela Belen ang nasabing panalo sa itinalang 18 puntos kasunod si Sheena Toring sa 12 puntos. Kasamang nagpakita ng impresibong laro sina Alyssa Solomon na nagdala ng 10 puntos at Jennifer Nierva na nagpasok ng 18 digs at 12 excellent receptions.

Tangka ng Lady Bulldogs ang 14-0 win-loss rekord sa Huwebes para sa Finals sa paghaharap ng National University at University of Santo Tomas ng 4 pm. Samantalang ang makakalaban ng Far Eastern University ay ang University of the East.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page