ni Angela Fernando - Trainee @News | November 7, 2023
Handa si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ikonsidera ang pagkakaroon ng saglit na tigil-putukan para bigyang daan ang mga tulong na dumadating at mabilisang paglabas ng mga tao sa bansa.
Sa isang panayam sa US, kinumpirma ni Netanhayu na walang ganap na tigil-putukan dahil mababalewala ang layunin ng kanyang bansa laban sa Hamas.
Aniya, pinahihintulutan ng Israel ang panandaliang tigil-putukan sa gitna ng mga pag-atake upang kanilang makumpirma ang kalagayan ng mga kalakal at mga bihag na lalabas ng bansa.
Ito ay matapos ang kanilang pagbasura sa panawagang tigil-putukan ng U.S. Secretary ng State Antony Blinken kamakailan.
Saad ni Netanyahu, hindi nila babawasan ang kanilang operasyon maliban kung magkaroon sila ng kasunduan tungkol sa paglaya ng mga bihag
Comments