top of page
Search
BULGAR

Tigil-pasada ng MANIBELA, next

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 21, 2023





Nag-anunsiyo ngayong Martes ang transport group na MANIBELA tungkol na magsasagawa ito ng tatlong araw na pambansang tigil-pasada simula sa Miyerkules, ika-22 ng Nobyembre, 2023.


Tulad ng PISTON na kasalukuyang nasa Ikalawang Araw ng kanilang tigil-pasada, sinabi ni MANIBELA chairman Mar Valbuena na kanilang tinututulan ang PUV Modernization Program ng gobyerno.


Matindi ang pag-alma ng PISTON, o the Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide sa itinakdang December 31 na deadline para sa mga operator ng jeepney na magkaisa bilang bahagi ng programa na modernisasyon.


"Kung hindi mai-extend, January 1 colorum na kami, siguradong mas malawak, mas matinding transport strike ang sasalubong sa bagong taon. Sinisigurado ko po iyan," pahayag ni Valbuena.

0 comments

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page