ni Ambet Nabus @Let's See | January 19, 2024
Tahimik ang kampo ngayon ni Andrea Brillantes.
Sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang serye sa Kapamilya Channel, nakatuon ang pokus ng dalagang aktres sa mga susunod niyang assignments. Kasama na rito ang pag-shoot ng isang high-end product na posibleng makasama umano si Kathryn Bernardo.
Meron ding tsika na may gagawin siyang short film for an international festival, plus ang pag-story con para sa isa pang TV project, kasama uli si Kyle Echarri at ilan pang young stars.
Sa gitna nga ng mga usapin sa KathNiel na minsan ding pinagpiyestahan ang name ni Andrea, walang napatunayan o anumang mas malalim na involvement si Andrea sa naturang gusot.
"She is simply counting her blessings. She has learned her lessons kaya dedma muna siya sa pagbibigay ng komento o reaksiyon sa mga isyu. Let her live and exist," sey ng kanyang mga fans na naniniwalang "good karma" pa rin ang tinatamasa ni Andrea.
Comments