top of page

Thai prime minister, ‘di nag-facemask, pinagmulta

  • BULGAR
  • Apr 27, 2021
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 27, 2021



Pinagmulta ng awtoridad ang prime minister ng Thailand na si Prayut Chan-O-Cha matapos kumalat sa social media ang larawan nitong walang suot na facemask sa dinaluhang meeting noong Lunes.


Mismong si Bangkok Governor Aswin Kwanmuang ang nagsampa ng reklamo laban sa prime minister upang pagmultahin ito ng halagang 6,000 baht ($190).


Aniya, "As Bangkok governor, I filed a complaint against the prime minister who accepted the fine.”


Samantala, patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Thailand at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang operasyon ng mga cinemas, parks, gyms, swimming pools, spas, atbp..


Ipinagbabawal din sa Thailand ang pagbubukas ng mga bars at nightclubs, maging ang pagbebenta ng alak sa mga restaurants.


Comentarii


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page