top of page
Search
BULGAR

Tertiary education subsidy para sa mga kuwalipikadong mag-aaral

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Dec. 4, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Bilang isang mag-aaral na limitado ang pinansyal na kakayanan na pag-aralin ang sarili, nais ko sanang malaman kung may programa ba ang gobyerno na makakatulong sa mga kagaya ko na nagnanais ipagpatuloy ang pag-aaral. Maraming salamat. — Mey-Mey


 

Dear Mey-Mey,


Ang akmang batas na maaaring makasagot sa iyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 10931, o kilala sa tawag na “Universal Access to Quality Tertiary Education Act”. Nakasaad sa Seksyon 7 nito na:


Section 7. TES for Filipino Students. - To support the cost of tertiary education or any part or portion thereof, a TES [Tertiary education subsidy] is hereby established for all Filipino students who shall enroll in undergraduate-post-secondary programs of SUCs, LUCs private HEIs and all TVIs. The TES shall be administered by the UniFAST Board and the amount necessary to fund the TES shall be included in the budgets of the CHED and the TESDA: Provided, That prioritization shall be given to students in the following order: (a) students who are part of households included in the Listahanan 2.0, ranked according to the estimated per capita household income; and (b) students not part of the Listahanan 2.0, ranked according to estimated per capita household income based on submitted documentation of proof of income to be determined by the UniFAST Board: Provided, further, That such prioritization shall not apply to Filipino students in cities and municipalities with no existing SUC or LUC campus.


The TES may, among others, and to support the cost of tertiary education or any part or portion thereof, cover the following:


(a) Tuition and other school fees in private HEIs, and private or LGU-operated TVIs, which shall be equivalent to the tuition and other school fees of the nearest SUC or state-run TVI in their respective areas;


(b) All allowance for books, supplies transportation and miscellaneous personal expenses including a reasonable allowance for the documented rental or purchase of a personal computer or laptop and other education-related expenses:


(c) An allowance for room and board costs incurred by the student;


(d) For a student with a disability, an allowance for expenses related to the student's disability, an allowance for expenses related to the student's disability including special services, personal assistance, transportation, equipment, and supplies that are reasonably incurred: and


(e) For a student in a program requiring professional license or certification, the one (1)-time cost of obtaining the first professional credentials or qualifications, which may include the following: application fees, notarial fees, review classes fees, insurance premium fees and documentation fees: Provided, That the amount of subsidy shall be based on the guidelines set forth by the UniFAST Board and on the annual budgetary appropriation for this purpose.”


Isa sa mga pinahahalagahan ng ating gobyerno ay ang aspeto ng edukasyon. Kaugnay nito, obligasyon ng gobyerno na protektahan at itaguyod ang karapatan ng lahat ng mga mag-aaral sa dekalidad na edukasyon sa lahat ng antas. Kung kaya, may mga batas na ginawa upang ang edukasyon ay maging abot-kamay para sa lahat. Isa rito ay ang nabanggit sa Seksyon 7 ng R.A. No. 10931 dahil naniniwala ang ating mga mambabatas sa polisiya na ang dekalidad na edukasyon ay isa sa mga karapatan ng lahat ng mga Pilipino.  


Nabanggit sa Sekyon 7 ng R.A. No. 10931 ang pagtatag ng isang Tertiary Education Subsidy (TES) upang masuportahan ang halaga ng tertiary education o anumang bahagi nito ng sino man na kukuha ng undergraduate-post-secondary programs sa mga state at local universities o colleges, pribadong higher education institutions at technical-vocational institutions. Ang nasabing TES ay pangangasiwaan ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) at ang pondo sa nasabing programa ay kasama sa budget ng Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority. 


Kung kaya bilang kasagutan sa iyong katanungan, may programa ang ating gobyerno katulad ng pagtatag ng TES na makapagbibigay ng tulong sa mga katulad mo na nagnanais na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Ang mga mag-aaral na kuwalipikado sa TES ay makakukuha ng pinansyal na tulong para sa kanilang mga pangangailangang pang-edukasyon.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page