top of page
Search
BULGAR

Teroristang Dawlah Islamiya, nasakote

News @Balitang Probinsiya | August 30, 2024



Maguindanao Del Sur — Isang miyembro ng teroristang Dawlah Islamiya ang nadakip ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. General Salipada, Pentadun sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga otoridad. 

Nabatid na may nagbigay impormasyon sa mga otoridad sa kinaroroonan ng terorista kaya mabilis na rumesponde ang tropa ng pamahalaan at agad itong inaresto sa nasabing barangay.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin ng mga otoridad.

Sa ngayon ay isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang nahuling terorista.


 

TRIKE DRIVER, NAGBIGTI SA BAHAY


ANTIQUE -- Isang 38-anyos na tricycle driver ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Abaca, Tobias Fornier sa lalawigang ito.


Dahil sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na isinapubliko ng mga otoridad ang pangalan ng driver na nag-suicide.


Nabatid na ilang kamag-anak ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng kanilang bahay.


Ayon sa pamilya ng driver ay wala silang alam na dahilan para magpakamatay ang biktima.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid motibo ng biktima sa pagpapakamatay.


 

2 BIGTIME TULAK, HULI SA DRUG-BUST


NEGROS OCCIDENTAL -- Dalawang bigtime drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Linao, Kabankalan City sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga suspek habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad. 


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang dalawang suspek kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan kaya nadakip ang dalawang pusher.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng 11 pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.


 

KELOT, NIRATRAT SA RESTAURANT


QUEZON -- Isang 28-anyos na lalaki ang namatay nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa loob ng isang restaurant sa Brgy. Balubal, Sariaya sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Michael Badiola, residente ng Brgy. Gibanga sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang kumakain sa loob ng restaurant si Badiola ay bigla itong nilapitan at pinagbabaril ng mga salarin.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek upang masampahan ng kasong murder.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page