ni MC @Sports | January 5, 2023
Natuklasan sa diagnosed na may throat at breast cancer si tennis legend Martina Navratilova.
Ayon sa kanya, umiibayo naman ang prognosis niya sa gamot at sisimulan na rin ang treatment ngayong buwan. "This double whammy is serious but still fixable, and I'm hoping for a favorable outcome," saad ng 66- anyos na si Navratilova. "It's going to stink for a while, but I'll fight with all have I got."
Nadiskubre ang cancer niya noong Nobyembre sa WTA finals nang mapansin ni Navratilova ang pamamaga ng kanyang leeg na hindi nawawala kaya agad siyang nagpa-biopsy. Una nang lumaban sa cancer si Navratilova at sumailalim sa breast cancer treatment noong 2010 at gumaling.
Nagretiro siya sa tennis noong 1994 pero nagbalik sa torneo para maglaro sa doubles noong 2000 at minsang lumaro sa singles. Nakapagwagi siya ng 59 Grand Slam titles overall, kabilang na ang 31 sa women's doubles at 10 sa mixed doubles.
Nagtrabaho rin siya bilang television analyst pero dahil sa huli niyang diagnosis, paminsan-minsan siyang magre-report sa Tennis Channel's coverage ng Australian Open.
Nagpadala na ng mensahe at dasal sa social media ang mga kapwa niya tennis star.
Nagsaad naman si Navratilova sa kanyang Twitter noong Lunes na, "thank you all for your support, and I am not done yet.''
תגובות