ni Jasmin Joy Evangelista | March 15, 2022
Ibinida ng isang Filipino fashion designer na nakabase sa New York ang telang gawa sa saging.
Ipinanganak at lumaki sa Davao del Norte, si Joy Soo ay dating certified public accountant, na kamakailan lamang ay nagbalik upang ipagpatuloy ang first love na fashion designing. Nagsimula siya ng kanyang sariling brand na Musa Fabric, na nasa tatlong taon nang gumagawa ng mga damit at accessories.
Sa ginanap na New York Fashion Week, nagsagawa ng fashion show si Soo at doon ay featured ang kanyang designs na gawa sa 50% banana fabric.
“Iyong mga tao na nag-watch ng fashion show were so amazed. Alam ko amazed na amazed sila kasi iyong designs, in-incorporate ko doon iyong tribal designs and hindi nila nakikita iyong mga design na iyon doon,” pahayag ng designer sa isang TV show.
“Talagang fulfilling siya. Dito ko nakita ang fulfillment sa work ko. Nakapagbigay sa kanila ng new hope and new life and new inspiration itong pag-weave ng musa fabric,” dagdag ni Soo.
Maliban sa mga PDLs, ang indigenous people sa Davao tulad ng Ata Manabos at Dibabawon , ay mga benepisyaryo rin ng mga obra ni Soo.
Ipinaliwanag din ni Soo kung paano ginagawa ang banana fabric: “Ang process nito is iyong mga waist material na na-trunk ng banana, pinuputol at pino-proseso siya. Ang tawag doon ay decortication.”
Kung mayroong pangarap si Soo sa fashion industry ng Pilipinas, ito ay ang tangkilikin ng mga Pinoy ang ating local products at designs bago pa man ito kagiliwan sa iba’t ibang bansa.
"We have to be supportive of our own brand. Iba ang feeling if you are wearing your own product. Let's support local dahil sa totoo lang, one single purchase of local product will make a difference for so many people," ani Soo.
Comments