top of page
Search

Teknik para sa itatagal na pagtatago ng mga importanteng dokumento

BULGAR

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 9, 2020




Ang mga papeles tulad ng bills, resibo, bank statements at insurance policies ay madaling maitambak sa iyong file maliban na lang kung magagawang ayusing mabuti ang mga ito.


Simulan nang ayusin ang mga papeles sa kada kategorya. Legal documents, tax records, banking at investment, utility payments, medical at insurance pay stubs at iba pang income statements, mga materyales sa bahay at resibo ng appliances, warranties at appliances manuals.


Gaano mo ba katagal dapat itago ang mga paper documents na depende sa kategorya?


1. LEGAL DOCUMENTS. Ang mga legal na dokumento na kabilang na ang birth certificate, mga papeles ng binili mong bahay, homeowner at life insurance policy, titulo ng sasakyan, marriage certificate at iba pang kaugnay na papel, citizenship o naturalization paper maging ang will statement. Maaari kang magkaroon ng dagdag na legal documents para maisama sa kategoryang ito. Gawing pangmatagalan ang legal documents.

2. TAX RECORDS. Itago ang tax records ng at least tatlong taon kung empleyado ka at itago naman ng anim na taon kung self employed o may iba kapang esktrang pinagkakakitaan. Tandaan na itagong mabuti ang lahat ng supporting documents.

3. BANK STATEMENTS AT INVESTMENT PAPERWORKS. Itago ang investment records habang pag-aari mo pa ang negosyo at tatlong taon naman matapos maibenta ang negosyo. Ang exception lang kung nakatatanggap ka ng annual summary ay ikumpara ang annual summary sa iyong record at kung puwede nang itapon ang taon ng records. Itago ang mga record ng retirement plan contribution nang permanente upang mapatunayan ang halaga na iyong nai-contribute at kung maaari bayaran ang mga buwis. Maaring kailanganin mo ang mga katunayan na nagbabayad ka ng buwis kapag nagsisimula ka nang magsagawa ng withdrawals.

Itago nang isang taon ang anumang bank statement. Maaaring kailanganin mo ng dalawa o higit pang mga taon na itago ang bank statements kung planong bumili ng bagong bahay. Itago rin ang bank statements at cancelled checks na may mga major purchase tulad ng diamond ring, habang pag-aari mo pa rin ang naturang property.

4. UTILITY RECEIPTS. Itago ang utility receipt ng isang taon kung hindi mo ike-claim ang deductions para sa home office. Itago ang mga bill ng tatlong taon kung make-claim mo ang home office deduction sa iyong buwis.

5. MEDICAL INSURANCE. Itago ang medical receipts at proof of insurance payments sa loob ng pitong taon. Ang insurance company auditors ay gagarantiyahan ito kasama na ang IRS kung magke-claim ka ng medical deductions para sa request na proof of payment.

6. MGA MATERYALES NG PAGPAPAGAWA NG BAHAY AT RESIBO NG APPLIANCES. Itago ang mga resibo ng mga materyales na binili para sa pagpapagawa ng bahay at appliance receipts sa loob ng pitong taon matapos maibenta mo ang iyong bahay. Kakailanganin mo iyan kapag ang Internal revenue service ay io-audit ang iyong tax return.

7. MGA WARRANTY AT APPLIANCE MANUAL. Itago ang resibo ng warranties hanggang sa ma-expire na ang warranties. Itago rin ang appliance manual habang gumagana at ginagamit pa ang appliances. Iyan ding trouble-shooting guide ang kailangan ng ilang taon matapos itong mabili.

8. I-SCREENSHOTS LAHAT NG DOCUMENTS AT SAKA I-SAVE SA PERSONAL EMAIL. Mas mainam ding mai-save sa personal email address ang lahat ng iyong pinakamahalagang dokumento maging ang iba't ibang ID's upang kahit anong oras na kailangan ay bubuksan o lang ang iyong cellphone.

PARA NAMAN MAKAIWASAN NA MA-HACK ANG IYONG EMAIL O FACEBOOK. Maraming dahilan kung bakit naha-hack ang emails o FB account. Delikado iyan dahil nagagawa ng hacker na baguhin ang iyong profile picture at gagawa ng mensahe sa wall ng iyong account. Magpapadala pa ng messages sa iyong mga kaibigan. Heto ang ilang paraan para secured ang iyong email at FB account.

1. PASSWORD. Kung pipili ng password dapat ay hindi madaling mahulaan, tiyakin na malakas na password ang gagamitin. Walong karakter ang haba at paghaluan ng numero na tiyakin namang matatandaan mo. Huwag isusulat ang password kung saan-saan. Pinakamainam na magpalit ng password nang madalas kung kinakailangan.

2. PAG-CLICK NG LINKS. Huwag basta mag-click ng anumang links na hindi ka tiyak kung saan nanggaling. Ang links sa inyong email messages, chat messages o news feed ay mga puwedeng paraan ng hackers para makakuha ng access sa iyong account. Kung nakakita ka ng link na nagdududa ka puwedeng magtanong sa kaibigan tungkol dito bago ito i-click. Huwag mag-click ng links sa email na nagsasabi na mula ito sa Facebook kahit na ang email ay mukhang lehitimo.

3. ANG IYONG COMPUTER. Ang ilang pag-iingat na magagawa para sa computer, tiyakin na gagamitin mo ang bagong available version ng iyong web browsers at gumagamit ng security software kung magpe-Facebook ka o email.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page