ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Pebrero 18, 2024
Ipimagpatuloy natin sa Senado ang pagdinig upang talakayin at suriin ang mga problema kaugnay sa naging performance ng ating mga kabataang estudyante sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA).
Ang PISA ay isa sa pinakatanyag na student assessment sa buong mundo at isa rin sa pinakamaimpluwensya sa larangan ng research at policy.
Layon nitong sukatin ang abilidad ng 15-taong gulang na gamitin ang kanilang kaalaman sa pagbabasa, mathematics at science at kakayahang harapin ang mga hamon ng tunay-na-buhay.
☻☻☻
Sa naturang pagdinig, atin ding tinalakay ang problema sa teenage pregnancy at sexual abuse sa mga kabataan.
Ayon sa mga resource persons, ang pagtaas ng bilang ng mga batang ina ay isa sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang tumitigil sa pag-aaral at pagdami ng mga kaso ng dropout sa bansa.
Nakakabahala dahil ayon sa Philippine Statistics Authority, tumaas ang teenage pregnancy sa mga 15-taong gulang mula 0.5% to 1.4%.
Nangako naman ang DepEd na pag-aaralan nila kung paano ito imo-monitor at tutugunan ng mga paaralan.
☻☻☻
Noong nakaraang February 14 din ay ipinagdiwang ng aking adviser, mentor, seatmate, at kasama sa Minority bloc -- former Senate President Manong Johnny Ponce Enrile ang kanyang ika-100 na kaarawan.
Isang karangalan ang maimbitahan sa napaka-espesyal at katangi-tanging pagdiriwang ng kanyang sentenaryong kaarawan.
Wishing you good health and happiness. Gusto namin laging happy ka Manong Johnny!
☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
留言