top of page
Search
BULGAR

Team USA, lalaro sa 'Pinas sa FIBA World Cup 2023 

ni MC - @Sports | December 14, 2022



Nakapili na ng kanilang teams ang tatlong hosts ng FIBA Basketball World Cup 2023, ang Pilipinas, Japan at Indonesia para maglaro sa Group Phase ng kani-kanilang bansa.


Kinumpirma ng FIBA's Central Board matapos ang konsultasyon sa host nations na maglalaro ang USA sa 'Pinas, bibiyahe ang Slovenia sa Japan at ang Canada sa Indonesia. Ang Slovenia at Canada ay nagkuwalipika sa World Cup, habang ang USA ay nakaposisyon na sa berth ng torneo sa huling Window ng Qualifiers.


Bawat host ay pipili ng team ayon sa lakas ng koponan habang ang mga pinili ay hindi makakasagabal sa integridad ng event o proseso ng draw. Sa kaso ng FIBA Basketball World Cup 2019 sa China, ang Pilipinas bilang tournament host sa Group Phase at Final phase ay ilalagay sa Pot 1 sa draw.


Mapapabilang sila sa Pot 1 ng best ranked teams sa FIBA World Ranking Men matapos ang qualifying window na lalaruin sa Peb. 2023. Iyon ang rason na ang USA at Pinas ay ilalagay sa iba't ibang grupo ng apat na team na lalaro sa Pilipinas.


Pinili ng Japan ang No. 7 team, Slovenia. Maglalaro ang Japan at Slovenia sa Group Phase sa Okinawa kung saan ang 2 groups ay sa Indonesia. Ang FIBA Basketball World Cup 2023 ay idaraos sa Manila sa Abril 29. Ito ang ikalawang tsansa na ang 32 teams ay maglalaro sa World Cup. May 2 venues na host sa 4 na grupo sa Manila at ang 2 groups ay sa Okinawa at Jakarta. Ang men's event ay sa Agosto 25, 2023.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page