ni Rey Joble @E-Sports | March 10, 2024
Babandera ang Team Spirit bilang isang premyadong organisasyon na sasalang sa papalapit na Mobile Legends: Bang Bang Continental Championships Season 3 na gaganapin sa Marso 30.
Inanunsiyo ito ng Moonton Games and Fissure, ang organizers ng torneo kung saan papagitna sa Team Spirit, bitbit ang mga kasali sa Deus Vult, na nagkampeon sa Season 2 ng MCC at isa sa apat na nangungunang koponan sa M5 World Championship.
Ang Team Spirit ay kilala bilang sa mga pangunahing organisasyon ng esports sa Silangang Europa at gitnang Asya (EECA).
Pumukaw ng atensiyon ang Deus Vult sa M5 World Championship kung saan pinangunahan ang kanilang kampanya ni "Kid Bomba."
Ang kanilang magandang pagtatapos ay nakalikha ng ingay, dahilan para kuhain sila ng Team Spirit na pinapirma ang mga naturang players gaya nina Stanislav "SAWO" Reshnyak, Anton "HIKO" Pak, Kemiran "Sunset Lover" Kochkarov, Mathaios "Kid Bomba" Chatzilakos at Sergei "Marl" Finashev.
Ayon kay Adalyat Mamedov, Esports and Commercial Lead, EECA ng Moonton Games, bukas palad nilang tinatanggap ang Team Spirit para mas maging prestihiyoso at mas glamoroso ang naturang kompetisyon.
"As one of the world's esports juggernauts, we expect them to raise the league's competitive quality and entertainment value to the next level. Coupled with their world-beating talent equipped with teen spirit, they are set for an impactful first season."
Hangad naman ni Team Sprit chief executive officer Nikita Cheshir Chukalin na mas pagbutihin pa ang kanilang kampanya at mapanatili ang kanilang estado bilang pinakamahusay na team sa rehiyon.
Magandang hamon naman para sa Team Spirit, ayon kay Nikita, ang pagsali sa Mobile Legends: Bang Bang kung saan makikita kung gaano kataas pa ang kanilang potensiyal sa bagong larangan na kanilang sasalihan.
Comments