ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 3, 2024
Nakasungkit agad ng bagong achievement si Taylor Swift ngayong bagong taon nang makuha niya ang record ni Elvis Presley bilang isang solo artist na may pinakamaraming weeks na naging numero uno sa Billboard 200 Chart.
Nakatala na umabot na sa 68 weeks ang kabuuang panahon na naging numero uno si Taylor para sa siyam niyang albums at apat na re-recorded albums.
Nalampasan ni Taylor ang record ng King of Rock 'n Roll na si Elvis Presley na 67 weeks nag-number 1 noon sa Billboard 200.
Comments