ni Angela Fernando - Trainee @News | January 6, 2023

Ipinagbabawal pa rin ang paghalik sa larawan ng Itim na Nazareno kapag nagsimula na ang tradisyunal na "Pahalik" ng 7:00 ng gabi tuwing Sabado.
Pinapayagan lang ang mga debotong punasan ng kanilang panyo o tuwalya ang imahe ng Nazareno.
Matatandaang unang ipinagbawal ang nasabing tradisyon nu'ng panahon ng pandemya na dala ng COVID-19 nu'ng 2021.
Pinalitan ng "Pagpupugay" ang taunang tradisyon nu'ng kasagsagan ng pandemya kung saan ang mga deboto ay pinapayagan lamang na tignan ang Itim na Nazareno.
Comments