ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 12, 2025
Photo: Vico Sotto at Atasha Muhlach - Instagram
Nagulat si Pasig Mayor Vico Sotto sa tanong ng isang matandang babae tungkol sa anak ni Aga Muhlach, at nag-viral ang video clip na ito sa socmed kahapon.
Napanood namin sa X (dating Twitter) ang video sa TikTok kung saan kinakausap ni Vico ang matandang babae habang nasa loob ng sasakyan ang mayor ng Pasig City.
May sinasabi si Vico sa matandang babae nang biglang binanggit ng huli ang pangalang “Aga.”
Sabi ng matandang babae kay Mayor Vico, “Nasaan si Aga?”
Biglang napaisip si Mayor Vico sa tanong nu’ng matandang babae, kaya sinagot din n’ya ang tanong ng another question, “Sinong si Aga? Muhlach? Hindi ko kilala ‘yun,”
Hindi pa rin tumigil ang matandang babae at sinundan pa niya ng isa pang tanong ang sagot sa kanya ni Mayor Vico.
“‘Yung anak na babae ni Aga, girlfriend mo ‘yun, eh,” sabi pa nu’ng matandang babae.
Ang tinutukoy nu’ng matandang babae na anak ni Aga na girlfriend daw ni Mayor Vico ay walang iba kundi si Atasha Muhlach.
Si Atasha ay kasama ng tatay ni Mayor Vico na si Vic Sotto sa isang afternoon show bilang isa sa mga hosts.
NAGSANIB-PUWERSA ang FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) at ang REMS Entertainment para sa kauna-unahang FAMAS Short Film Festival.
Kahapon ay inilunsad ang FAMAS Short Filmfest na ihahatid sa publiko ng REMS Entertainment sa pangunguna ng festival director nito na si Gabby Ramos at FAMAS President Francia Conrado.
Ayon kay Direk Gabby, “Actually, this is a hybrid film festival. So, we are gathering the entire nation to submit their short film. Ang difference ng short film festival na ito, magkakaroon na ng chance ang lahat ng actor, actress, cinematographer, editor. Kasi magkakaroon s’ya ng separate award (like) Best Cinematography, Best Editing, Best Sound Design, Best Actor, Best Director and Best Picture. At mahahawakan nila ‘yung Best Short Film na ‘to.”
Ipinaalam nina Francia at Direk Gabby na wala silang specific theme para sa mga short films na gustong i-submit.
“(For) this year, the selection committee will focus on creativity. Of course, the narrative of the short. Kung ano’ng mensahe ang kanyang ibinibigay. And, dito rin makikita ‘yung expertise ng the entire group, papa’no sila makapag-create ng isang short film.
“‘Yung FAMAS award this time na short film ay maibibigay sa pinakamahusay na short film na papasok sa iba’t ibang set ng selection committee down to nomination, down to the final winner,” paliwanag ni Direk Gabby.
Ipo-post naman daw sa socmed (social media) ang criteria for judging.
Nabuo ang collaboration ng FAMAS at Rems Entertainment para sa FAMAS Short Film Festival nu’ng makausap ni Francia si Direk Gabby during the 70th FAMAS Nominees Night. Doon ay nailabas ni Ms. Francia ang kanyang saloobin na tila naso-shortchange ang short films sa mga bigayan ng awards on film.
Nasa 100 na raw ang natanggap nila na entries and they’re expecting na mas dadami pa after their announcement yesterday.
Tiniyak pa ni Direk Gabby na magkakaroon ng scheduled screening ang lahat ng finalists.
“May VS Cinema (located on the 8th floor of the Victoria Sports Tower in Quezon City) po tayo kung saan puwedeng ipalabas ang mga finalists. Pero may mga kinakausap na rin kami,” sabi ni Direk Gabby.
Director Gabby Ramos, the festival director of the 1st FAMAS Short Film Festival 2025, beams with honor and excitement for his new endeavor, himself a past winner of Best Short Film in FAMAS 2024 for Huling Sayaw Ni Erlinda (HSNE).
The short film festival has five categories — short film, student film, regional film, advocacy film, and documentary. The film must be under 20 minutes (including credits), and must be in the original language, with English subtitles.
Entry submissions are presently open, with the deadline set for March 25, 2025.
The official picks will be announced in the first week of April 2025, with cinema showing scheduled from May 3 to 9, 2025. The awards night will take place on May 10.
Commentaires