ni Mai Ancheta @News | September 9, 2023
Tiklo ang mag-asawa sa Taguig City na ibinubugaw online ang kanilang mga anak pati na rin anak ng kanilang mga kapitbahay.
Ito ay matapos salakayin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI ) ang kanilang bahay.
Nasagip ng NBI ang mga ibinubugaw na bata na edad dalawa, tatlo, lima at siyam, gayundin ang isang 15 at 16-anyos.
Ang tip ay nakuha ng NBI sa Homeland Security ng Amerika dahil mga Amerikano umano ang parukyano ng mag-asawang bugaw.
Natuklasan ng mga awtoridad na dalawa sa anak ng mga suspek ang kasama sa ibinubugaw online habang ang isang anak ng kapitbahay na buntis ay kasama rin sa inilalako.
Ikinatwiran ng isa sa mga suspek na nagawa nila ang krimen dahil sa hirap umano ng kanilang buhay.
Ang suspek ay kakasuhan ng paglabag sa online sexual exploitation of children, paglabag sa child sexual exploitation materials act, expanded human trafficking Act at qualified trafficking.
コメント