top of page
Search
BULGAR

Tatakbong senador, hindi suportado… IPE, MATINDI ANG TAMPO KAY SEN. BONG

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 17, 2024



Photo: Philip Salvador at Bong Revilla Jr. - FB


Magmula nang maging abala si Sen. Bong Revilla, Jr. sa Senado, bihira na silang magkita at magkasama ng dating BFF niyang si Phillip “Ipe” Salvador. At maging noong nakaraang eleksiyon, iba ang partidong sinuportahan ni Phillip.


Nadikit si Ipe sa partido nina Bong Go at dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Ngayong midterm elections, nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Phillip Salvador upang kumandidatong senador, at nasa line-up siya nina Bong Go at Sen. Bato Dela Rosa. Natural lang na hindi siya lantarang maikakampanya ni Sen. Bong Revilla kahit na magkaibigan pa sila. 


Pero may balitang lihim na nagtatampo si Phillip kay Sen. Bong dahil hindi man lang daw siya itine-text o kinukumusta ni Sen. Bong matapos niyang isapubliko ang kanyang pagtakbo bilang senador. Kahit daw sana moral support at advice man lang ang maiparating sa kanya ng dating BFF na senador. ‘Yun pa naman ang kailangan niya ngayon. 


Well, siguro ay maiintindihan naman ni Phillip ang dahilan kaya hindi siya puwedeng lantarang ikampanya ni Sen. Bong Revilla, Jr.. Magkaiba sila ng partido at tiyak na maiipit sa sitwasyon ang senador.


 

Na-miss umarte…

JOHN LLOYD, BALIK-ABS-CBN, GAGAWA NG SERYE


MAUGONG ang balitang magbabalik sa Kapamilya Network si John Lloyd Cruz (JLC). Siya ang magbibida sa isang malaking serye kasama ang magagaling na Kapamilya stars. 


Na-miss ni JLC ang serious acting na dati niyang ginagawa, at pagbibigyan niya ang kahilingan ng kanyang mga fans na gumawa siyang muli ng serye. 


Maging sa pelikula ay tumigil din siya. Pansamantalang nag-leave si John Lloyd noong na-burn-out sa trabaho. Sitcom ang kanyang ipinrodyus sa GMA-7, pero hindi ito nagtuluy-tuloy. Umaasa ang mga tagahanga ni John Lloyd na tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabalik ngayon. Marami pa rin ang naghahanap sa kanya at sa tambalan nila ni Bea Alonzo.


 

Sikat na sikat sa socmed…

OGIE, WALANG PLANONG MAG-ALA-BOY ABUNDA


KAABANG-ABANG ang bagong programang Quizmosa na mapapanood sa TV5 araw-araw (Lunes hanggang Sabado) simula sa October 21, pagkatapos ng Eat…Bulaga! (EB!). 


Ang sikat na talent manager/vlogger/comedian na si Ogie Diaz ang host ng show, kasama sina Tita Jegs, Kid Yambao, at Tonton Soriano. 

Kakaibang talk show ito dahil mga latest chika sa showbiz ang ihahatid sa mga viewers. Ang Quizmosa ay talk show na, quiz show pa! 


May cash prize ang mga contestants na sasali sa segment na Mamili Ka. May mga kukunin ding celebrity contestants sa show, open din ito sa lahat ng gustong sumali. 

Sobra-sobra na ang exposure ngayon ni Ogie Diaz sa socmed (social media) platforms. Grabe ang karisma niya sa lahat at pinagkakaguluhan kahit saan pumunta. Pero wala raw siyang planong mag-ala-Boy Abunda na magkaroon ng sariling talk show, gusto pa rin niyang magkaroon ng oras para sa kanyang pamilya.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page