top of page
Search
BULGAR

Tatakbong partylist rep… DIWATA, GINASTUSAN NG P12 M LED BILLBOARD SA EDSA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 16, 2024



Photo: Diwata Pares Overload fans / FB


Bongga at agaw-pansin ang napakalaking digital LED billboard ng Pares Queen na si Diwata (Deo Balbuena in real life) na matatagpuan sa EDSA Ortigas, tapat ng SM Megamall. Ang nasabing digital LED billboard na worth P12M ay sponsored ng LTC PH para kay Diwata na tumatakbong nominee ng Vendors Partylist. 


Naniniwala ang mga supporters ni Diwata na malakas pa rin ang karisma ng Pares Queen sa mga tao, patuloy pa rin na dinarayo ang kanyang puwesto ng paresan sa Pasay at QC. 


EDSA Billboard - Diwata Pares Overload fans FB

Photo: Circulated / Diwata FB


Marami pa ring mga vloggers ang nakatutok sa mga kaganapan sa buhay niya. Naniniwala ang mga supporters ni Diwata na malaki ang maitutulong ng ‘Pares Queen’ sa Vendors Partylist upang makakuha ng boto sa darating na midterm elections. 


Layunin ng Vendors Partylist na tumulong sa mga vendors na naghahangad na mabigyan ng karapatan na magtinda sa maayos na kapaligiran. Nagpapasalamat si Diwata sa mga grupo na may malasakit sa mga vendors na tulad niya.


 

Aktres, nagagamit daw… 

PIA, NAPAG-UUSAPAN LANG DAHIL KAY HEART


Heart at Pia

MARAMING fans ang nagsasabing nagagamit ni Pia Wurtzbach ang isyu nila ni Heart Evangelista. Habang pinagsasabong at pinagkukumpara sina Heart at Pia, bentahe ito sa dating Ms. Universe dahil nagkakaroon siya ng publicities at napag-uusapan. 

For sure, kapag nanahimik at hindi na pinatulan ni Heart si Pia ay wala na ring maibabalita sa dating beauty queen. 


Sey ng mga fans ni Heart, mas nauna raw ito sa mga fashion events sa Paris, New York at Milan. Nakuha ni Heart ang atensiyon at tiwala ng mga sikat na fashion designers. Samantalang si Pia ay nagsisimula pa lamang sa pagrampa sa Paris at New York. Kung hindi beauty queen si Pia, baka hindi siya nabigyan ng importansiya. 


Ang pagiging fashion icon ay ikinakabit ng marami kay Heart Evangelista. Kaya maraming offers sa kanya ang mga kilala at sikat na fashion designers tulad ng Dior, LV, Hermes, Chanel, Prada, Bvlgari, atbp.. 


May bagong show si Heart sa GMA Network na eere ngayong October. Ito ay ang Heart World (HW), isang reality show. Dito ay ipapakita ni Heart ang kanyang daily life kapag hindi siya rumarampa sa mga fashion events abroad. At tiyak na may mga fashion tips din siyang ise-share sa mga viewers.


 

HINDI tatakbo sa anumang posisyon si Karla Estrada, ito ang kanyang kinumpirma sa mga kaibigang artista noong reunion ng That’s Entertainment (TE)


Dati ay balitang-balita na kaya niya binitiwan ang programang Face-To-Face (FTF) sa TV5 ay dahil sasabak siya sa pulitika at tatakbong congresswoman. Wala namang malinaw na paliwanag kung bakit hindi natuloy ang kanyang pagpasok sa pulitika. 


Ayon kay Karla, susuporta lang siya sa TINGOG Partylist na dati niyang tinulungan noon. At sumusuporta rin siya ngayon sa partido ni Sec. Martin Romualdez, kaya hindi siya puwedeng matali sa anumang TV show. 

Mas masaya na raw si Karla Estrada sa buhay niya ngayon. Balita namin, pati na ang negosyo niyang ‘Mother Queen’ ay binitiwan na rin niya, magiging abala siya sa pangangampanya para sa TINGOG Partylist at sa pagtulong sa mga kaibigang kakandidato. 

Well, mabuti na rin na may pinagkakaabalahan ngayon si Karla Estrada upang makalimutan ang dating karelasyon na si Jam Ignacio. Mas lumawak ang kanyang circle of friends sa showbiz at pulitika.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page