top of page
Search
  • BULGAR

Tatakbong konsehal kahit wala raw ‘K’... SIGAW NG NETIZENS: ION, UUBUSIN LANG ANG DATUNG NI VICE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 2, 2024



Showbiz News

Nagulat ang marami nang isa ang It’s Showtime host na si Ion Perez sa mga nag-file ng COC (Certificate of Candidacy) sa first day ng filing kahapon sa Comelec. 


Tatakbong konsehal ang ‘asawa’ ni Vice Ganda sa Concepcion, Tarlac kung saan nakabase ang pamilya ng TV host. 


Pero first day pa lang ng political journey ni Ion, mukhang masusubok na ang tibay ng kanyang dibdib sa dami ng negative reactions sa kanyang pagpasok na rin sa pulitika. 


Unang-unang tanong ng mga netizens ay ano ang kuwalipikasyon ni Ion para tumakbong konsehal? Kinuwestiyon ng ilan kung nakapag-aral man lang daw ba ang mister ni Vice at may alam daw ba ito sa paggawa ng batas sa kanyang mga nasasakupan?


Wala rin daw sa imahe ni Ion ang pagiging public servant dahil mas kilala raw si Vice Ganda na tumutulong at nagse-share ng blessings sa mga nangangailangan. 


May mga foul comments pa ang ilang netizens na ang “sangkabaklaan” lang daw ang boboto kay Ion at dahil lang kay Vice kaya siya iboboto. 


Sabi pa ng ilan, kung sa pagitan nga nilang dalawa ni Vice ay si Ion ang tipong sunud-sunuran lang at ‘under’ sa kanyang misis dahil ito ang mas mapera, pa’no pa raw makakagawa ng sariling batas bilang konsehal si Ion? 


At ang pinakaimportanteng concern ng mga netizens ay sino raw ang gagastos o magpopondo sa pagtakbo ni Ion? Imposible naman daw na pabayaan lang ni Vice na magmukhang kaawa-awa ang kanyang mister habang nangangampanya. 


Kaya ngayon pa lang, marami na rin ang nagtatanong kay Vice kung handa na ba siyang ubusin ni Ion ang kanyang datung para sa pagtakbo nitong konsehal? 


Mabuti pa raw sana kung si Vice ang tumakbo at baka kahit mayor ay manalo ito sa dami ng fans ng Unkabogable Phenomenal Star. 


 

BALIK-PINAS na ang baguhang singer-actress na si Geraldine Jennings para i-promote ang bago niyang single composed by Ogie Alcasid titled If I Will Ever Love Again


Ang bongga ni Geraldine dahil si Ogie da Pogi lang naman ang sumulat ng song niya na marami nang sumikat na kanta, devah? 


Pero bukod sa pagkanta, gusto ring karirin ni Geraldine ang pag-arte kaya kahit drama ang ginawa niya sa kanyang launching film na Isla Babuyan, todo-effort ang dalaga na may hawig kina Sunshine Cruz at Yassi Pressman. 


At para sa Isla Babuyan, leading men niya sina Jameson Blake at Paolo Gumabao. 

Bagong magkakilala pa lang sina Geraldine at Jameson pero pumayag na ang singer-actress na magkaroon ng kissing scene sa aktor. 


When asked to describe her first screen kiss with Jameson, “Mabango naman siya,” ang sagot ni Geraldine kaya sure na na-enjoy niya ang first experience niya doing a film in the Phils. 


Nang matanong naman kung sino ang gusto niyang maka-collaborate na male singer, si Darren Espanto ang isinagot ni Geraldine Jennings. 

Oh, why not, mukhang bagay sila, ha? 


Samantala, waiting pa ang production team sa MTRCB rating ng Isla Babuyan para mai-announce kung kelan at saan ito puwedeng maipalabas.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page