top of page
Search
BULGAR

Tatakbo sana, umatras… JANNO: AYOKONG MAPASAMA SA CIRCUS NG MGA TATAKBONG SENADOR

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 13, 2024



Photo: Instagram / Janno GIbbs


Tapos na ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato sa 2025 midterm elections, kaya may mga natuwa na hindi na nakahabol si Janno Gibbs sa pagpa-file ng COC. 


Nabanggit kasi nito sa post niya sa Threads na may balak siyang kumandidatong senador.


Ipinost nga ni Janno ang parang poster na may nakasulat na “Janno para sa Senado” at may caption na: “Ituloy ko na ba?”


Kasunod nito ang post niyang, “My feed post of ‘Janno sa Senado’ was not a joke. I’ve been wanting to go into politics these past few years. Those who follow me know I’ve always been politically active in my IG. Sabi nga nila, ‘Puro ka reklamo, bakit ‘di ka tumakbo?’ But my family does not approve. They are scared of the consequences. Still, I was weighing my options. Seeing the circus of who are running, I didn’t want to be included in a ridiculous line-up. Maybe in 2028?”


Kung babasahin ni Janno ang mga comments at feedback, hindi lang ang pamilya niya ang may ayaw na tumakbo siyang senador. Ayaw din ng karamihan ng tao. Ang tanong nila, ano ang gagawin niya sa Senado? Baka raw lagi siyang late kapag may hearing o session.


May nag-suggest naman na tumakbo munang barangay kagawad o barangay captain si Janno at ‘wag maging senador agad ang pangarapin niya. 

Sabi nga nito, sa 2028 national elections pa naman ang balak niya, malay natin, magbago ang isip ni Janno Gibbs at hindi na ituloy ang pagpasok sa pulitika.


 

Kailangan palang mapanood uli kahit ng mga nauna nang nakapanood ng Balota ang movie ni Marian Rivera dahil new cut daw ito na siguradong magiging controversial film.

In fact, sabi ng nakapanood sa Cinemalaya run ng movie, ibang version ang mapapanood ngayon sa regular screening, bagong edit, mas maganda ang sound at mas nakaka-tension ang mga eksena ni Marian.


Aabangan ang mga susunod na eksena at maire-relate sa mga nangyari na at nangyayari ngayon sa pulitika. Mapapa-comment ka na, “Totoo nga, nangyari ‘yan kay Congresswoman, kay Mayor at kay Senador.” 


Hindi mo nga alam kung matatawa ka sa huling eksena ng karakter ni Gardo Versoza na totoong nangyari at ginawa ng ilan sa ating mga pulitiko.


Napapanahon din ang mensahe ni Marian para sa Balota na ang sabi sa isang interbyu, “Ang punto ko sa Balota, bawat isa sa ‘tin, may malakas na boses at ‘yung boses na ‘yun, ‘wag mong ipagkait dahil importante ka.”


Isa sa mga napansin namin kay Marian, fresh ang mga galos niya sa braso. Ibig sabihin, totoong mga galos at hindi dala ng makeup. 

Nabanggit naman nito na hindi siya nagpa-make up habang ginagawa ang pelikula ni Direk Kip Oebanda.


Present si Dingdong Dantes sa premiere night ng Balota at sabi nito, “Experiencing this movie for a second time, and watching my wife dominate in her role, fills me with immense pride. 


“Congratulations, once again, to the whole team!”


Aabangan natin ang feedback ng majority ng audience sa nabanggit na pelikula na sinasabing right timing ang showing para sa 2025 midterm elections.


 

Hindi na si Rob…

HERLENE, SI TONY NA ANG BAGO


HINDI na mali-link kay Rob Gomez si Herlene Budol dahil hindi si Rob ang leading man niya sa Binibining Marikit (BM). Si Tony Labrusca ang nakasulat na isa sa cast ng upcoming GMA-7 series, kaya malamang, siya ang magiging love interest ni Herlene.


Saka, single naman yata si Tony at kung sakaling ma-link sila ni Herlene, walang girlfriend o partner na masasaktan at walang relasyon na masisira.

Remember, naghiwalay si Rob at ang ex niya nang magtambal sina Rob at Herlene sa Magandang Dilag (MG).


Sina Herlene at Pokwang ang pinakabida sa nasabing series at hiniram sa ABS-CBN at Star Magic si Tony para maiba naman ang makakasama sa Kapuso series. 

Nagkakantiyawan na ang mga Kapuso at Kapamilya fans, iiwan na raw ni Tony ang ABS-CBN at lilipat na sa GMA. Sagot ng mga Kapamilya fans, hiniram lang si Tony at babalik din sa ABS-CBN.


Speaking of Herlene, bukod sa afternoon series, may video podcast din ito na Ano Na Tea? kasama si Anjo Pertierra. Kahapon, October 12, ang launching nito sa GMA Public Affairs YouTube (YT) channel. 


Ang daming feedback sa topic sa first episode na “Hanggang saan dapat tumanaw ng utang na loob sa magulang?” 


Mainit ang isyung ito dahil kay Carlos Yulo at sa kanyang mga magulang.

Ayon kay Herlene, tinanong niya ang production team kung bakit sila ni Anjo ang napiling mag-host ng podcast? It turned out na matagal nang friends ang dalawa.

“Wala silang alam sa friendship namin ni Anjo before. Best friend ko kasi s’ya before, kaya nakaka-excite na kami ang magkasama para rito,” sey ni Herlene Budol.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page