top of page
Search
BULGAR

Tatakbo sa Congressional seat.. MWSS chairman Velasco, nag-resign

ni Lolet Abania | September 30, 2021



Bumaba na sa puwesto si Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) chairman at administrator retired General Reynaldo Velasco para tumakbo sa isang Congressional seat sa 2022 national elections.


Sa isang statement ng MWSS, pormal nang tinapos ni Velasco ang kanyang pagseserbisyo sa ahensiya ngayong Huwebes, Setyembre 30, 2021.


Ang outgoing chairman at administrator, ayon sa kagawaran, “will be busy with the Philippine National Police Retirees Association, Inc. (PRAI) which is seeking a seat at the House of Representatives in the May 2022 elections.”


“He is the number one nominee of PRAI, an organization working for the benefit and welfare of all retired men and women in the uniformed service of the PNP and their dependents,” pahayag pa ng MWSS.


Si Velasco ay papalitan ni incoming administrator Leonor Cleofas habang ang puwesto niya bilang chairman of the board ay ibibigay kay Justice Jose Ricafort Hernandez.


Ayon sa ahensiya, sa panahon ng paglilingkod ni Velasco simula 2017, dito namayagpag ang MWSS, kung saan nakapagtala ng kategorya na mula Level C ay naging Level B, anila, “moved up the ladder among government-owned corporations.”


“Among 84 GOCCs assessed, MWSS ranked 59th in 2016, 38th in 2017, 34th in 2018, and 29th in 2019,” dagdag pa ng kagawaran.


Sa ilalim ng pamumuno ni Velasco, ang MWSS ay nakapag-remit na ng kabuuang P1.512 bilyon sa national government treasury sa pamamagitan ng dibidendo mula 2017 hanggang 2019.


Sinabi pa ng ahensiya na mula 2016 hanggang 2020, ang populasyon na kanilang naserbisyuhan ay tumaas ng 8.41% o 1.317 milyong higit na mga kustomer.


“Households with direct access to water increased by 9% from 3.89 million in 2017 to 4.15 million households as of April 2021,” ayon sa MWSS.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page