top of page
Search
BULGAR

Tatakbo ring alkalde… RAYMOND VS. ISKO SA MAYNILA

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 10, 2024



Showbiz News

Photo: Raymond Bagatsing - Isko Moreno - Official Page


Last minute ay nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang mahusay na actor na si Raymond Bagatsing nitong October 8.


Kakandidato si Bagatsing bilang alkalde ng Maynila sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) kung saan siya ang PFP-Manila co-chairman. Hindi na bago sa aktor ang mundo ng pulitika dahil namulat na siya rito dahil sa dating Mayor Bagatsing na nagsilbi ng matagal na panahon bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila.


Sabi nga ng aktor, “Ang layunin namin ay maibalik ang dangal ng Maynila bilang sentro ng oportunidad at progreso, isang lungsod na may pagmamahal sa bayan at disiplina sa pamumuno.”


Dugtong naman ng kanyang running mate, “Kami ay narito upang maglingkod na may

malasakit at buong-pusong dedikasyon, na may takot sa Diyos at paggalang sa kapwa.”

Kilala si Bagatsing na mahusay na aktor kaya marami ang kumukuha sa kanya.



Samantala, katatapos lang niya sa Black Rider (BR) kaya natanong ang soon-to be-mayor ng Manila kung ano’ng ipa-prioritize niya, pagdating na nang pangangampaya?

Sey niya, “Siyempre, ang pulitika. Ise-set aside muna natin ang pag-aartista dahil kailangan nating tutukan ang pangangampanya.”

And if ever naman daw na manalo siya, marami siyang nakikitang dapat baguhin sa Maynila.

Dahil naniniwala sila, “Whatever Manila goes, country will follows."

Walang takot si Bagatsing na kalabanin ang kanyang kapwa-actor na si Isko Moreno na muling nagbabalik bilang alkalde ng Lungsod.

Alam nilang mga malalaking personalidad ang makakatunggali ng Partido Federal ng Pilipinas, pero alam nilang wise na ang mga netizens ng Maynila kung gusto raw nila ng pagbabago.

May nagtanong, kung kaya raw ba nilang tapatan ang pondo ng ibang mga kandidato.

Iisa ang kanilang sagot, “Puso ng mga Manilenyo, ang katapat ng pondo.”


 

MATAGAL nang may humihimok sa King of Talk Boy Abunda na pumasok sa pulitika, pero wala pa ring nakakapagkumbinsi sa kanya.

Kamakailan ay isiniwalat niya kung bakit ayaw niyang  pasukin ang pulitika.

Kilala ang Abunda clan sa politics, pero ayon sa kanya he never aspired for public office dahil “wala sa bituka”. 


At mahal daw niya kasi talaga ang showbiz.


Aniya sa isang panayam, “Dati pa (I received offers to run). I’m the only one in the family who’s not been in politics. Kung talagang interesado ako, matagal na,” pasimula ng mahusay na TV host.


“The word is wala sa bituka, no fire in the belly. My sister right now is congresswoman. She was a nine-year vice mayor, nine-year mayor. Nanay (Lesing) was vice-mayor and konsehal. My father was a small-town politician. Hindi ko talaga siya ano,” esplika niya.


Dagdag niya, “Madali mag-turn down. Before, when I was offered, Nanay was there, it was very easy.


“Hindi naman ako shy, hindi ako nagpapahabol, pero wala talaga. But some of you know, I have a political consulting firm. I am familiar with politics, it has nothing to do with not knowing. Hindi talaga, e. I love showbiz.” 


Si Kuya Boy ay isang TV host, presenter, at talent manager.

Kilala siya bilang King of Talk sa showbiz industry dahil sa napakahusay niyang mag-interbyu ng mga artista.


 

THIS is it! Nasagot na rin ang mga katanungan ng mga netizens kung sasasabak na nga sa pulitika ang TV host na si Willie Revillame. Last October 8 ay nasagot na ang kanilang mga katanungan.


Opisyal nang nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang kontrobersiyal game show host.


Tatakbo siya bilang Senador tulad nang napag-usapan nila noon ni dating Presidente Rodrigo Duterte, kung saan kinukumbinsi na siyang pasukin nito ang pulitika. Tila nakapagbitaw yata si Kuya Wil na 2025 siya tatakbo bilang senador.


Sa pag-file ni Kuya Wil ng COC last Tuesday ay marami naman ang may disgusto.

May mga nag-aadvise raw sa kanya na huwag nang pasukin ang pulitika, pero hindi raw ito nakinig.


However, in recent months, the veteran TV host expressed that he lost his interest in politics with all the arguments and conflicts in the Senate and Congress.

Nasorpresa ang mga taong naroroon sa Comelec nang biglang sumipot si Kuya Wil bago magsara ang pagpa-file ng COC.


Ayon sa beteranang manunulat na si ‘Nay Cristy Fermin, “Tinawagan nga s’ya [ng] common friend namin. Nakapagdesisyon na raw s’yang [Willie] tumakbo. Sabi ko naman: ‘O, anong sabi?’ ‘Pinayuhan ko hindi naman nakikinig,’ sabi niya.” 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page