top of page
Search
BULGAR

Tatak Pinoy, aarangkada na sa buong mundo

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Pebrero 29, 2024


Nitong nakaraang Lunes ay nasaksihan natin ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos ng dalawang batas na may dalang good news para sa ating mga kababayan.


Pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act 11982 o “An Act Granting benefits to Filipino Octogenarians and Nonagenarians” at RA 11981 o Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act.

☻☻☻


Sa ilalim ng RA 11982, makakatanggap ng P10,000 cash gift ang mga Pilipinong aabot sa 80, 85, 90, at 95 taong gulang.


Inaamyendahan ng batas na ito ang RA 10868 o Centenarians Act of 2016, na nagbibigay ng P100,000 sa mga Pilipinong umabot sa 100 taong gulang.


Ang batas na ito ay pagpapasalamat ng bansa sa kontribusyon ng mga nakatatanda sa paglilingkod nila sa bayan.


☻☻☻


Ang RA 11981 naman ay naglalayong itaguyod ang mga gawang Pinoy at gawin itong globally competitive.


Magtatayo ng Tatak Pinoy Council na binubuo ng Department of Trade and Industry, National Economic and Development Authority, Departments of Finance, Agriculture, Budget and Management, Information and Communications Technology, Labor and Employment and Science and Technology, at apat na kinatawan mula private sector na ia-appoint ng Pangulo.


Sa ilalim ng batas, bibigyan ng prayoridad ang mga Philippine products at services sa mga sektor at economic activities na kabilang sa Tatak Pinoy Strategy sa loob ng 10 taon.


☻☻☻


Umaasa tayong sa tulong ng 2 batas na ito ay patuloy na susulong ang ating ekonomiya at maitataguyod ang kapakanan ng ating mga kababayan.

☻☻☻


Magkakaroon din ng green lanes para sa Tatak Pinoy investments and exports para mapadali ang proseso ng approvals, permits, licenses, at certifications.


Sisiguruhin rin ang access ng mga produkto at serbisyong Pinoy sa domestic at international markets, kasama na ang mga placement sa international exhibitions, tourist hubs, ports of entry at high-traffic retail areas.


Mabibigyan din ng access ang mga Tatak Pinoy enterprises sa low-interest o flexible loan programs, credit guarantees, lease agreements, venture capital at ibang porma ng financing.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page