ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 26, 2022
Mahihirapan na si Gerald Anderson na makuha ang tiwala sa kanya ng publiko.
Hanggang ngayon kasi ay taglay pa rin niya ang playboy image at hindi pa rin nakakalimutan ng lahat ang "ghosting issue" na naging usap-usapan noong iwan niya si Bea Alonzo.
Kaya naman, ngayong nababalita ang tungkol sa kanilang gap at tampuhan ng GF na si Julia Barretto, marami ang nag-react. Umiral na naman daw ang pagiging chickboy ni Gerald.
Sabi pa ng mga netizens, nagsawa na naman daw si Gerald sa relasyon nila ni Julia kaya gusto nang makawala.
Well, kung anuman ang totoo sa kumakalat na balitang 'yan, tanging sina Julia B. at Gerald A. lang ang nakakaalam.
Curious naman ang mga netizens kung ano raw kaya ang pakiramdam ng ex-GF ni Gerald na si Bea Alonzo ngayong nababalitang nagkakalabuan na ang aktor at si Julia.
Feeling vindicated daw kaya ang girlfriend ngayon ni Dominic Roque?
Comentarios