Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 4, 2023
Inaasahan ng mga ekonomista ng pamahalaan ng Pilipinas na kokolekta ang bansa ng mas higit sa P3.73 trilyon na target na kita ngayong 2023.
Sinasabing aabot sa P3.84-trilyon hanggang P3.90-trilyon ang kabuuang kita ngayong taon na higit na mas mataas sa target na kita ng ekonomiya ng bansa.
Pahayag ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), tumaas ng 6.8% ang kinolokteng kita sa loob ng unang siyam na buwan ng 2023 kumpara sa nagdaang taon.
Tumaas din ng tatlong porsyento ang kita sa unang siyam na buwan ng taon na may koneksyon sa mas mataas na koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) at sa mga kitang hindi galing sa buwis na pumalo sa P152.57-bilyon.
Ayon sa DBCC, ang kita sa mga programa ng taong ito ay 15.7% na mas mataas sa magkasunod na medium-term fiscal framework (MTFF) at sa antas na inaasahan ng 184th DBCC na 15.3% at 15.2%.
Kasalukuyang nagpapatupad ang BOC ng mga repormang naglalayong mapabilis at mapabuti ang pagkolekta ng buwis at ang mas epektibong pangangasiwa sa buwis ng bayan.
Comments