top of page
Search
BULGAR

Target, 'di pa naaabot… Bakuna sa mga guro, mamadaliin bago magsimula ang klase


ni Lolet Abania | July 19, 2021



Mahigit sa 300,000 guro pa lang ang nabakunahan kontra-COVID-19, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones.


Sa Laging Handa briefing ngayong Lunes, sinabi ni Briones na batay sa datos, nasa 15 lamang mula sa 17 rehiyon ang na-administer ng COVID-19 vaccines dahil ang DepEd offices sa Region 4B at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay hindi pa nakapagsumite ng kanilang report.


Aniya, target nilang makapagbakuna ng malaking bilang ng mga guro bago matapos ang Agosto o ilang linggo bago naman magbukas ang klase sa Setyembre 13.


Matatandaan noong nakaraang buwan, binanggit ng DepEd na nakatuon sila sa paghikayat sa mga guro at personnel na magpabakuna kontra-COVID19 bilang paghahanda umano sa face-to-face classes sa low-risk areas.


“Should the President and the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) allow limited face-to-face classes based on the gains of our COVID-19 mitigation efforts, DepEd shall still employ stringent conditions and safety protocols in our field offices and schools that will participate in the pilot implementation of face-to-face classes,” ayon sa isang statement ng DepEd noong Hunyo 14.


Gayunman, noong Hunyo 21, hindi pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng DepEd na magkaroon ng limitadong face-to-face classes, dahil ayon sa pangulo, “I did not want to gamble on the health of the children,” habang sinabing mas mahalaga pa rin sa kanya ang pagbabakuna kontra-COVID-19.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page