ni Rey Joble @E-Sports | March 17, 2024
Inilunsad ng Mobile Legends: Bang Bang Philippines ang 'Tara, Laro', isang kampanya bilang paggunita sa taunang Allstar na nagsimulang buksan noong Biyernes hanggang Abril ng taong ito.
Ang caravan ay iikot sa iba't-ibang dako ng Pilipinas kung saan bibisitahin ng MLBB Philippines ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) at ipunin ang mga MLBB gamers at ibahagi sa kanilang ang mag nakatutuwang programa kung saan nakatuon rito ang pagkakaisa, teamwork at magandang relasyon ng mga magkakasama sa team at magkakatunggali.
"For many of us, MLBB has been an instrument to make memories with friends, bond with family, or relax with work colleagues. Despite the game bringing out our competitive nature, it still serves as a platform that connects us with our loved ones and also provides entertainment to burn off stresses," ang sabi ni Bella Zhang, Moonton Games Campaign Manager ng Allstar Philippines.
"With 'Tara, Laro' we hope to see our MLBB gamers in the activities that we prepared for them so they can create a closer and healthier bond," dagdag ni Zhang.
Sa unang bahagi ng kampanya, ilulunsad ng MLBB Philippines ang Allstar PH music video na "Tara Laro" sa Marso 22, 2024.
Kinanta ito ng popular na aktres na si "Pambansang Fiance" kasama ang mag TikTok influencers na sina Prince Adrian Dagdag at Sean Panganiban, ang masayang indak ng musikang ito ay naglalayong ipatupad ang pakikipagkaibigan at positibong komunidad sa larangan ng Filipino MLBB gaming.
Samantala, ang tatlong parte ng video series ay ilulunsad para sa mga kinakaharap ng MLBB gamers at kung paano ito magsisilbing gabay para mapanatili ang matibay na relasyon ng pamilya, pamumuno at pakikipagkaibigan. Ang unang nakakatuwang episode ay ilalabas sa Marso 25 sa mga iba't-ibang MLBB official channels.
Comentarios