top of page
Search
BULGAR

Tapos na sa pamilya… BEA, PINAGHAHANDAAN NAMAN ANG FUTURE NILA NI DOMINIC

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 19, 2021



Isa sa mga frustrations ni Bea Alonzo ay ang makatapos ng kolehiyo at magkaroon ng degree. Hindi niya nabigyan ng panahon ang pag-aaral dahil naging busy na siya sa kanyang showbiz career.


Second year high school lang ang inabot niya, pero sinikap niyang mairaos ang high school via home study.


Hindi rin niya nagawang magpatuloy sa kolehiyo dahil nagkasunud-sunod na ang kanyang movie projects. Loaded na loaded ang kanyang schedule.


Sinamantala na ni Bea ang pagkakataon upang kumita nang malaki at para mabigyan ng magandang future ang kanyang ina at kapatid.


Naging priority niya ang kanyang pamilya. At hindi naman nagsisisi si Bea ngayon dahil nakita niyang nasa maayos na kalagayan ang kanyang mga mahal sa buhay.


Kaya naman ngayon, ang sarili naman niyang future ang gustong paghandaan ni Bea at tiyempo rin na natagpuan niya ang kanyang "the one" sa katauhan ni Dominic Roque.

Pinagtagpo sila ng tadhana sa tamang panahon!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page