Taping ng serye, iniwan… ANNE, AYAW MA-MISS ANG ABS-CBN BALL
- BULGAR
- 1 day ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 6, 2025
Photo: Anne Curtis - Instagram
Lumipad pa-Manila si Anne Curtis para lang um-attend ng ABS-CBN Ball 2025 na ginanap sa Solaire North nitong Biyernes ng gabi, April 4.
After ng event ay bumalik agad si Anne kung saan siya nanggaling para sa shoot ng K-drama Pinoy adaptation na It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO).
Para sa aktres, ayaw niyang ma-miss ang ABS-CBN Ball 2025.
Aniya, “Aside from the glitz and glam there’s a bigger purpose behind this ball, right? So I really want to be part of it. There’s so much meaning and of course, there's so much more behind it than just being beautiful and glamorous,” wika ni Anne, who wore a Nicole + Felicia creation.
“I want to be part of it to support the Kapamilya and ABS-CBN Foundation,” dagdag pa niya.
Naging super close sa Kapamilya… HEART AT ANGELICA, SUPER-TAGAL NG YAKAPAN NANG MAGKITA
NAGKITA sina Heart Evangelista at Angelica Panganiban sa ABS-CBN Ball 2025.
Viral ang pagkikita ng dalawang aktres dahil ang tagal nilang humulagpos sa kanilang mahigpit na yakapan.
Maraming celebrities ang natuwa sa sweet reunion nina Angge at Heart. Agad na ini-repost ng kanilang mga fans ang touching moment, making it one of the most talked-about highlights of the night, with some asking for a reunion or a collaboration between the two.
Angelica looked radiant in a soft green gown that exuded freshness and elegance, while Heart captivated everyone with her stunning royal blue gown, embodying sophistication and class.
“A sweet reunion,” ang inilagay nilang caption.
Sina Angge at Heart ay nagkatrabaho nu’ng ang huli ay nasa Kapamilya Network pa.
Ginagamit daw siya ni Jojo para mag-ingay…
MARK: WALA AKONG PANAHON SA MGA WALANG KUWENTANG CONTENT NILA
NAHINGAN ng pahayag ni Ogie Diaz si Mark Herras ukol sa mga akusasyon sa kanya ni Jojo Mendrez.
Kamakailan ay nagsampa umano ng kaso si Jojo laban kay Mark dahil sa mga pagbabanta ng aktor sa tinaguriang Revival King.
Mariing pinabulaanan ni Mark ang akusasyon at sinabing hindi niya ugaling manira ng kapwa.
Sinabi ng aktor na mas marami siyang dapat na pagkaabalahan kaysa sa sinasabing isyu.
“Hahahaha! W*F! Pakisabi Mama OGs, sobrang kailangan ba nila gumawa ng ingay para sa mga career nila? Wala akong panahon sa mga walang kuwentang content nila.
“Please lang. Jusko! Tatanda na nila, isip-isip naman ng ibang content,” ayon kay Mark sa ipinadalang mensahe nito kay Ogie.
Minsan nang naglabas ng pahayag si Mark ukol sa umano’y pananakot na ginagawa raw niya kay Jojo.
“Okey lang naman ‘yan and pasabi na lang po na mas marami d’yan na ‘di hamak na mas sikat sa ‘kin kasi ako naman, hindi talaga. Gagawa na lang ng issue, ‘yung halatang kataran**duhan pa. Unang-una, ‘di ko ugali manakot ng tao kahit gawan ako ng issue or what.
“‘Di ko ugali ‘yan. I’d rather give my time and energy sa pamilya o kaya naman sa work/raket.”
“Sorry I’m the wrong guy para isama n’yo or gawan n’yo ng issue kasi ‘di ko kayo papatulan. [haha] At isa sa mga kasabihan nga, eh, ‘Always be a better person’ so yeah, salamat. Enjoy whatever you guys are doing. Marami akong ginagawa - personal/work-related. This will be the last time na sasagot ako sa issue. Lol (laugh out loud). Thank you!” ani Mark Herras.
Comments