top of page
Search
BULGAR

TAPE, Inc., bilang na ang mga araw… IT'S SHOWTIME, PALIT SA EB! SA GMA-7

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 23, 2023




Kaabang-abang ang pagsisimula ng noontime show ng TVJ with the Dabarkads sa TV5 sa July 1. Marami ang excited sa pagbabalik nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa telebisyon kasama ang kanilang mga ‘legit’ na Dabarkads.


Inaabangan kung sinu-sino ang mga magge-guest at kung anu-ano ang mga segments sa bagong show ng TVJ sa Kapatid Network.


Ganunpaman, marami rin ang mag-aabang sa pagsisimula ng It’s Showtime sa GTV na sa noontime slot din mapapanood at makakatapat nga ng show ng TVJ kasama ang mga ‘legit’ Dabarkads.


Tiyak na may pasabog na ihahanda ang mga hosts ng Kapamilya show na kinabibilangan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Kim Chiu at marami pang iba.


For sure, may gagawin ding paandar ang Eat… Bulaga! ng TAPE, Inc. at ang mga tumatayong hosts na sina Paolo Contis, Isko Moreno, Betong Sumaya, Buboy Villar, Mavy at Cassy Legaspi at iba pa.


Nakaka-excite ang pagtatapatan sa ere ng mga noontime shows ngayon dahil maraming pagpipilian ang mga televiewers.


Kung maagang nakapaghanda ang Brightlight Productions sa balitang sa NET25 na lilipat ang show nilang Tropang LOL, mas exciting sana ang labanan.


Pero, isang showbiz observer ang nagsabi na sa susunod na taon pa matatapos ang kontrata ng TAPE, Inc. sa GMA-7 at kapag natapos na ang kontrata nila para sa Eat… Bulaga!, siguradong doon ipupuwesto ng Kapuso Network ang It’s Showtime.


Sa loob ng 14 years na pag-ere ng nasabing Kapamilya show sa telebisyon, mas malakas at mas malawak na ang kanilang viewership at meron na rin silang mga loyal viewers.


At ‘yun na nga ang pagsisimula ng matinding labanan ng mga noontime shows.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page