top of page
Search
  • BULGAR

Tapatan ng mag-ina, next level na… CARLOS AT ANGELICA, PAREHONG ENDORSER NG MAGKALABANG DENTAL CLINIC



Showbiz News

Ano ba naman ang nangyayari ngayon at pati ang mga dental clinics ay sumasakay na rin sa popularidad at kontrobersiya ng mag-inang Angelica at Carlos Yulo? 


Talagang pinagsasabong nila ang mag-ina para lang mai-promote ang kani-kanilang dental clinic.


Si Angelica Yulo ay kinuhang endorser ng Smile 360, samantalang si Carlos Yulo naman ang endorser ng Urban Smile. Literal na magkakumpitensiya ang kanilang mga ineendorsong dental clinic. 


For sure, mas malaki ang talent fee ni Carlos dahil two-time gold medalist siya sa Paris Olympics. Pero, bentahe naman ni Mrs. Angelica Yulo na underdog siya ngayon dahil sa pang-i-snub sa kanya ng anak na si Caloy. 


Well, marami ang nakikisimpatya kay Angelica, kaya’t tiyak na magiging asset siya ng Smile 360 Dental Clinic. 


Sabi naman ng mga netizens, bumababa na ang popularidad ni Carlos Yulo dahil hanggang ngayon ay hindi pa nakikipag-ayos sa kanyang pamilya. At marami rin ang naiinis sa kanyang girlfriend na si Chloe San Jose na sulsulera at feeling-sikat na rin. 


Dismayado ang marami sa pagiging “pusong bato” ni Carlos Yulo at sunod-sunuran na lang sa gusto ng nobya.

 

HIYANG ang Kapuso actress na si Rhian Ramos sa relasyon nila ni Congressman Sam Verzosa. Three years na silang magkasintahan pero smooth naman at wala silang seryosong away at isyu na nababalita.


Simple lang ang mga gusto sa buhay ni Rhian, hindi siya ang tipo ng nobya na pasosyal, clingy at demanding. Naging asset siya ni Cong. Sam at nakakatuwang kasama sa mga charity projects ng Dear SV hosted by his boyfriend.


Samantala, si Sam ay isang self-made man na mulat sa kahirapan at nagsikap sa buhay upang umasenso. Nang dumating daw si Rhian, marami itong binago sa kanyang buhay. Kaya nagpapasalamat siya sa Kapuso actress. 


Pareho man silang abala sa kani-kanilang career, naglalaan sila ng oras upang magkasama. 


Simple lang ang kanilang naging selebrasyon sa Batangas ng third anniversary nila. Ngayon ay nagsu-shoot na si Rhian Ramos ng Sang’gre: The Encantadia Chronicles, at major role ang kanyang ginagampanan dito. 


Well, at least, hindi naman pinababayaan ng Kapuso Network si Rhian at malalaking proyekto ang ibinibigay sa kanya.

 

Bukod sa mansiyon, kotse at mga alahas…

GRETCHEN, MAY 2 YATE WORTH P100 M! 


Gretchen Barretto

KUNG laging inaabangan ng publiko ang mga kaganapan sa buhay ni Heart Evangelista, ang “beautiful rich girl” namang si Gretchen Barretto ay nananahimik at hindi gaanong nagpo-post sa socmed (social media) ngayon. 


Tanging ang malalapit lang niyang kaibigan at mga kapatid ang nakakaalam ng kanyang mga pinagkakaabalahan ngayon. 


Alam ng lahat kung gaano kayaman si Gretchen na may tatlong mansion sa Forbes Park. Milyones ang halaga ng kanyang mga jewelries at marami siyang negosyo at mga investments. 


Hindi lang mga luxury cars ang pag-aari ni La Greta, meron din siyang dalawang yate na nagkakahalaga ng P100 million. 


Ang malaking yate ay binili ng P80 milyon, at P20 milyon naman ang mas maliit na yate na ipinangalan sa anak niyang si Dominique. 


Kaya hindi lang sina Chavit Singson, Manny Pacquiao at Willie Revillame ang mga celebrities na may luxury yacht sa 'Pinas. Sumali na rin sa kanila si Gretchen Barretto. Bongga!

 

WALA pa kaming napanood na pelikula o serye ni Congressman Arjo Atayde, although marami ang pumupuri sa kanyang pagganap sa Cattleya Killer (CK). Dito siya nanalong Best Actor sa nakaraang ContentAsia Award. 


Pero nang ipinasilip ang trailer ng The Bagman nang magdaos siya ng advanced Christmas party for the press at pasasalamat na rin sa kanyang pagkapanalo bilang Best Actor, na-impress kami sa ipinakita niyang galing sa pag-arte. Parang pinagsamang Rudy Fernandez at Ace Vergel ang lalim ng kanyang acting.


Noong una silang magtambal ni Maine Mendoza, akala namin ay sa comedy siya lilinya. ‘Yun pala, isang seryosong aktor si Arjo. 


Marami siyang movie offers, pero pinipili na lang ni Cong. Arjo Atayde ang mga proyekto na tatanggapin. Ayaw naman niyang mag-suffer ang kanyang tungkulin sa kanyang distrito sa Quezon City (QC). 


Marami ang umaasa na bibigyan ng prayoridad ni Cong. Arjo ang kanyang pagiging public servant sa 1st District ng Kyusi. 


So far, ipinakita ni Cong. Arjo na marunong siyang tumupad sa kanyang pangako, mas marami siyang gawa kesa salita.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page