ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | February 18, 2023
KATANUNGAN
Nasa New Zealand ngayon ang sister-in-law ko at tinutulungan niya ako para makapagtrabaho ru’n. Almost 10 years na siya sa nasabing bansa at may magandang career na siya, gayundin, may itinatayo raw siyang negosyo, kaya gusto niya akong makapunta ru’n para makatulong niya ako.
Sa kasalukuyan ay nag-aayos na ako ng mga papeles. Sa palagay n’yo, Maestro, may suwerte ba ako sa pangingibang-bansa, partikular sa New Zealand at kung matutloy ako, kailan ito mangyayari?
KASAGUTAN
May malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, makakapanirahan at makakapagtrabaho ka sa ibayong-dagat.
Ang pag-aanalisang makakapag-abroad ka ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=1), kung saan pagkaraniwan na sa mga taong isinilang sa mga petsang 1, 10, 19 at 28, kung gugustuhin lang talaga nila ay nakapangingibang-bansa sila at nagkakaroon ng maalwan at produktibong karanasan sa ibayong-dagat.
Ang problema lang, kapag nakapag-abroad na ang mga Taong Uno (1) tulad mo, mabilis ding nauubos ang kanilang kinita sa pangingibang-bansa dahil sa kanilang pagiging galante, palakaibigan at magastos. Subalit kung matutunan ng mga Taong Uno ang magtipid o magsinop ng kabuhayan habang sila ay nasa ibang bansa, ru’n lamang magkakaroon ng bunga o halaga ang salapi na kanilang pinaghirapan sa abroad.
Gayunman, tulad ng nasabi na, kahit magpabalik-balik nang maraming beses sa abroad ang mga Taong Uno na tulad mo, pero kung hindi niya magagawang sinupin ang kanyang kinikita, sa umpisa lang magiging maluwag ang kanyang buhay. Subalit sa bandang huli, back to zero ang kanyang kabuhayan at mahihirapan na siyang maka-recover.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Maricel, ituloy mo lang ang pag-a-apply sa abroad, sapagkat ayon sa iyong mga datos, tiyak ang magaganap — sa last quarter ng 2023 o first quarter ng 2024, sa buwan ng Enero hanggang Abril at sa edad mong 33 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.
Comments