top of page
Search
BULGAR

Taong otso, dadaan sa maraming paghihirap bago makapag-abroad

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | Pebrero 1, 2023





KATANUNGAN


  1. Isinilang ako noong October 17, 1990. Gusto kong malaman kung nasa guhit ba ng mga palad ko ang makapag-abroad? Pangatlong beses ko na itong pag-a-apply, pero hanggang ngayon, umabot na ako ng edad 33, pero hindi pa rin ako nakakaalis.

  2. May pag-asa ba talaga akong makapag-abroad kahit bilang domestic helper o mas mabuti na tanggapin ko na nandito lang talaga sa Pilipinas ang kapalaran ko?

KASAGUTAN


  1. Ganyan naman talaga ang kapalaran ng mga Taong Otso (8) na tulad mo (ang 17 ay 1+7=8), hindi easy to get ang tagumpay. Kaya asahan mo na bago ka makapag-abroad, maraming pagsubok at hadlang ang iyong mararanasan.

  2. Pero pagkatapos ng mga negatibong pangyayaring nabanggit, basta naging mapilit ka at kinulit mo nang kinulit ang kapalaran, wala siyang magagawa, ang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ang mananaig at ito rin ang tumiyak na makakapag-abroad ka.

  3. Ito ay madali namang kinumpirma ng lagda mong medyo umaalon-alon at bahagya pang lumipad ang pinakapaa ng dulong letrang “a” paitaas. Ibig sabihin, ngayon pa lang, nasasagap na ng unconscious mong isipan ang nakatakdang maganap sa susunod na paglipas ng mga buwan, kung saan may produktibo at masaganang paglalakbay na itatala sa iyong kapalaran.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Hindi porke malinaw ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ay makakapag-abroad na. Sa halip, binabase rin ito sa bitbit mong numero tulad ng mga Taong Otso o silang may bitbit na numerong 8, 17 at 26, kahit may Travel Line (arrow a.), medyo mahihirapan pa rin silang makamit ang magandang kapalaran sa pangingibang-bansa, dahil kaakibat ng kanilang numero ang sinasabi nating “hard road to glory”. Sa ibang salita, paghihirapan muna talaga nila ang tagumpay bago itp matamasa.

  2. Hindi tulad ng mga taong may bibit na numerong 1, 10, 19, 28, 5, 14, at 23, at pagkatapos ay may malinaw pang Travel Line (t-t arrow a.), ang ibig sabihin, “easy to get” lang sa kanila ang makapangibang-bansa at magkaroon ng produktibo at masaganang karanasan sa nasabing pag-a-abroad.

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Annalyn, kaunting tiis at paghihintay pa, basta ‘wag kang susuko. Kulitin mo nang kulitin ang kapalaran at sa bandang huli, ayon sa iyong Travel Calendar, sa midyear o kalagitnaan ng taong ito, ibig sabihin ay sa buwan ng Hunyo, Hulyo o Agosto at sa edad mong 33 pataas, may produktibo at mabungang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page