ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 20, 2020

Hindi nagustuhan ni Enchong Dee ang post ni MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialago nitong Linggo na may kinalaman tungkol sa political prisoner na si Reina Mae Nasino.
Ayon sa post ng MMDA spokesperson, “Happy Sunday everyone! Walang kinalaman sa traffic pero sa tingin ko kailangan kong gamitin ang boses ko bilang isang Pilipino sa usapin na ito.
“Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakapunta sa libing ng kanyang anak. Kaya ‘yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag-aralan ninyong mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin ninyong mabuti kung sino siya sa lipunan.
“Masyado ninyong ginagawang pang-drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan n'yo!”
Sa 11K na reaksiyon sa post na ito ni Asec. Celine ay mas marami ang nagalit sa post niya at karamihan sa 4.3 komento ay hindi sumang-ayon sa kanya at kasama na ang aktor na si Enchong Dee.
Tinawag na walang puso at boba ng aktor si Pialago, “This person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili sa kalagayan ng isang ina at mangyari ito sa 'yo?"
Marami ang nag-retweet sa pahayag na ito ng aktor.
At nalaman namin na umekstra pala sa pelikula si Asec. Celine base sa komento ng netizen, “Dating artista kaya ‘yan. I mean ekstra. Nasa pelikula nina Coco (Martin) at Toni (Gonzaga). Saleslady (siya). Sana, ganyan ka din kahambog nu’ng wala pang naawa sa iyo na bigyan ka ng puwesto sa gobyerno. Napakayabang na nu'ng nakapuwesto na.”
May nagkomento rin noong sumali siya sa beauty contest, “Well, it’s harsh but true. No wonder walang narating 'yan as a beauty contestant. Remember her “passed away” boo-boo. Smh. Her face has changed since then pero waley pa din.”
Say din ni Mark Ibo, “You might be proud that you have lots of admins but no one can't deny the fact that the ounce of your so-called humanity has left you. Showing pictures of your good works is all for show when you cannot understand the plight of those who are undergoing a challenging part of their life.
“I don’t consider you as a strong woman as well because you don’t understand some of their plight especially of a grieving mother. Now tell that to the Ampatuans, Arroyos, Revillas and Marcoses too.”
Ayon kay Aqsitsarls Harn, “Compassion and noticing a dramatic scene is two different things. Anyone have the right to grieve, but not in front of TV.”
Humingi naman ng dispensa si Asec. Celine sa pahayag na wala siyang compassion sa ganitong sitwasyon.
Sagot nito kay Aqsitsarls Harn, "Apology to grieving mothers if they think I’m insensitive, same to Miss Nacino, but the point of “drama serye” isn’t focused on Miss Nacino but on different groups taking advantage on the unfortunate situation to capitalize the issue of a 'grieving mother deprived of right to be with her child' at the expense of an innocent soul.”
In fairness, may nagtanggol din naman kay Asec. Celine.
Sabi ng netizen, “That's true not all inmates in the women's correctional are allowed to go out to attend a funeral for their children. For me, it was already good enough that they allowed her to get there.”
Bukas naman ang pahina ng Bulgar para sa pahayag ni MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialago.
By the way, dinedma ng MMDA spokesperson ang kuda ni Enchong Dee.
Comments