top of page

Tao lang daw… BEA AT ANGEL, AMINADONG NANOOD NG PORN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 9, 2021
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 9, 2021





Heto ang karugtong ng chikahan nina Bea Alonzo at Angel Locsin sa Never Have I Ever with Angel Locsin vlog ng una sa kanyang YouTube Channel.


“I have” ang sagot ni Bea sa tanong na “Spent P500K for 1-day shopping,” sabay sabing, “Dati ‘yun, bago mag-pandemic.”


Tanong ni Angel, “Nagpagawa ka yata ng bahay that time?”


Sey naman si Bea, “Oo nga, tama si Gel.


“Uy, nag-mature na ako, hahaha (ayaw maniwala ni Angel). Sa totoo lang, 2020, wala akong masyadong binibili para sa sarili ko kasi du'n mo nalaman kung ano talaga ang mas importante, basic lang.”


“Never” naman ang sagot ni Angel.


Parehong “I have” ang sagot ng dalawang aktres sa tanong na “Missed a flight.”


“Sa trabaho namin, imposibleng hindi,” saad ni Gel.


Ikinagulat naman ni Angel na nag-“I have” si Bea sa tanong na “Lost my passport abroad.”


Tanong ni Angel kay Bea, “Hindi nga, seryoso?”


Tawa nang tawang sagot ni Bea, “Naiwan ko kasi connecting flight. So, naiwan ko ru'n sa harapan (plane backseat pocket), tapos tinakbo ni Idan (John Lloyd Cruz). Buti, naabutan niya hindi pa umaalis ‘yung plane, naglilinis pa lang.”


“Ako naman, (plane) ticket ang nawala ko,” sambit ni Gel.


Sa tanong na “Travelled alone,” natatawang sagot ni Bea, “Kasi may sumunod doon, so I guess never?”


Kuwento naman ni Angel, “Ako, nagawa ko na, pumunta akong Bukidnon tapos Hong Kong. May ganu’n (moment) ako. Sasabihin ko, ‘Saan ‘yung next flight n’yo?’ so hindi ko alam. Kaya sa backpack ko, may tsinelas ako, may boots ako, may coat ako.”


“I have” ang sagot ni Angel sa tanong na “Tried an online dating app.”


Aniya, “Puwedeng mag-pretend? Kasi may friend ako na feeling niya, nagtsi-cheat ‘yung karelasyon niya kaya titingnan ko kung ia-add ako o ila-like. Mine-message ko siya tapos titingnan ko kung kakagat, hindi naman kumagat kaya happy naman ang friend ko.”


Tawa naman nang tawa ang dalawa sa “Watched porn” question dahil pareho pala nilang ginawa.


“Tao lang po,” tawa nang tawang sabi ni Bea.

“Who doesn’t?” saad naman ni Angel.


“Dati kasi, pinapasok kami sa sensuality workshop at manonood ka ng porn,” esplika ni Bea.


Sa tanong na “Tried skinny dipping” o nag-swimming nang hubo’t hubad, tawa na naman nang tawa ang dalawa at sabay sabing, “Very private naman ‘yung place.”


“Never” naman ang sagot ng dalawa sa “Woken up in a strange place and had no idea how I got there.”


Sey ni Angel, “Alam naman namin ‘yung ginagawa namin. Kaya naman naming alalayan ang mga sarili namin saka may driver.”


“May pang-uwi naman,” sey din ni Bea.


“Never” ang sagot ni Angel sa tanong na “Called my partner a wrong name” pero si Bea ay “I have.”


“Kasi ginagawa ko noon A Love To Last (teleserye 2017). Ang tawag ko sa karakter ni Anton (Ian Veneracion), Love. Kaya natawag kong love (boyfriend niya) kasi sanay ‘yung bibig mo,” paliwanag ni Bea.


“Nag-react?” tanong ni Angel.


“Oo, tinawag niya rin akong love, may iba rin pala siyang tinatawag na love, char,” tumawang sagot ni Bea.


“I have” ang sagot ni Bea sa “Tried activity or sport just to please my partner” at sabay hirit ni Angel, “Golf ba ‘yan?”


Sinamahan kasi ni Bea ang ex-boyfriend niyang si Zanjoe Marudo na golfer (2011-2016) at aniya, isa ito sa mga topics nila ni Enchong Dee sa vlog nito kamakailan lang.


Natatawang pag-amin naman ni Angel, nang maging BF niya si Phil Younghusband ng Phil. Azkals, nanonood siya ng game nito at pumapalakpak pa siya kahit hindi raw niya naiintindihan 'yung nangyayari sa laro.


Sa tanong naman na “Slapped someone in real life,” sagot ni Angel, “Surprisingly, wala pa akong nasasampal,” sabay pakita ng placard na “Never.”


“I have” naman si Bea at aniya, “Nakakagulat, ‘di ba? Siya (sabay turo kay Angel), siya ‘yung parang kayang (manapak).”


Nagulat si Angel sabay tanong na “Seryoso ka, Be? Mapagpigil kang tao, ah?”


“I have. Kinol ko siya sa other room tapos in-slap ko siya kasi may sinabi siya sa akin na parang medyo nayurakan ang pagkababae ko (sabay tanong ni Gel na tinakpan ulit ang mukha). Natsika sa buong set, pero okay lang. They didn’t take it against me kasi nga alam din nila ‘yung nangyayari,” kuwento ni Bea.


Hmm… hindi namin mahulaan kung isa ba sa mga ex-boyfriends ng actress (Miko Palanca, SLN; Jake Cuenca, Zanjoe Marudo at Gerald Anderson) ang nasampal niya.

“I have” naman ang sagot ni Gel sa tanong na “Regretted a career decision.”


Sey naman ni Bea, “Ako, wala akong regrets kasi feeling ko, lahat ng bad decisions before, natuto ka, tapos lalo na kung may power ka to say ‘No’ or ‘Yes’ na feeling ko, du'n ko maia-apply.”


Pareho namang “Never” ang sagot ng dalawa sa tanong na “Lied while playing this game.”

Anyway, sa 17 minutes at 28 seconds naming panonood ay wala kaming ginawa kundi tumawa sa mga pambubuking nina Angel at Bea sa kanilang mga sarili.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page