top of page
Search

Tanong ng mga fans, sinagot na… KC, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA BUNTIS

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | October 28, 2023




Sinagot ni KC Concepcion sa pa-Q&A session niya na Ask Me Anything with her fans sa kanyang Instagram Stories ang mga tsika na paulit-ulit itinatanong at pinag-uusapan.


Noong isang araw, narinig namin ang tsikang buntis daw siya at sinagot niya ito nang nakangiti.


Sa tanong na “Are you really pregnant?” ang sagot ni KC, “Guys, old news na ‘yan. No, I’m not.


I have never been,” at sinundan ng “And I hope one day I will be, and I will let you know.”


Dagdag pa ni KC, “Tigilan n’yo ‘yan, ah. Paulit-ulit, sa totoo lang.”


Isa pang sinagot ni KC ay ang comment na “Why naman super pa-alter ng face?” na gustong palabasin na nagparetoke siya.


“Ano ba’ng pinagsasasabi ninyo, guys, ha? Makeup lang ‘yan, just relax, okay. And be happy,” sagot ni KC.


Dahil sa maraming nagtanong, gagawa ng vlog si KC at abangan daw ng kanyang mga fans. Baka isama ni KC sa vlog ang happening sa Dear Heart concert kagabi.

 

Bahay muna raw para sa pamilya…

RURU, WALA PANG PLANONG PAKASALAN SI BLANCA



Napaluha si Ruru Madrid nang mapanood ang video clip ng girlfriend na si Bianca Umali na ipinakita sa guesting uli niya sa Fast Talk with Boy Abunda. Sa video clip, nabanggit ni Bianca na very proud siya sa boyfriend at makakaasa ito na mananatili siyang number one cheerleader nito.


Teary-eyed na pinanood ni Ruru ang video clip at sabi pa, “I’m very grateful na dumating si Bianca sa buhay ko at patuloy kaming nagsusuportahan sa mga projects namin.”


Busy ang dalawa sa kani-kanyang project sa GMA-7. Si Bianca, ipinakilala na bilang si Terra sa Sanggre at si Ruru ay mapapanood na sa Black Rider. Kaya ‘yung mga fans na gustong magpakasal na ang dalawa, mukhang matagal pang maghihintay. Uunahin muna ni Ruru ang kanyang career at ang dream na maipagawa ng bahay ang kanyang pamilya.


Nabanggit din pala ni Ruru na malaking karangalan sa kanya na makasama ang big action stars sa Black Rider kabilang sina Raymart Santiago, Monsour del Rosario at Roi Vinzon. Idagdag pa na isa ito sa mga series ng GMA na may pinakamaraming cast at may mga guests pa.


Bukod sa big cast, isa pang magugustuhan ng mga viewers ay ang action scenes na pinaghirapang gawin ng cast. Si Ruru nga, he did his own stunts kahit naaksidente na dahil iba raw ang fulfillment doing his own stunts.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page