ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | September 11, 2021
Si Kylie naman ay hindi namin alam kung paano tatanggapin ng boyfriend niya in real life na si Jake Cuenca ang mga daring scenes niya sa The Housemaid.
Dati kasing beauty queen si Kylie Verzosa bago pinasok ang showbiz.
“Sobrang nagustuhan ko kasi ‘yung material to begin with. It’s medyo dark, medyo offbeat siya and ‘yun ‘yung medyo gusto ko kasing maging track ko.
“Known nga talaga ako as a beauty queen, so it was not the usual choice for the usual beauty queens pero mahilig din talaga ako sa mga psychological thriller na genre and nu’ng ibinigay sa akin ito and knowing na Cannes Film Festival entry pa siya (Korean version), then napa-yes ako sa kanya,” ang katwiran ni Kylie.
“Kailangan talagang tanggalin ‘yung buong beauty queen na ‘yun. Hindi ka puwede maging beauty queen dito sa set or kahit anong set kasi sobrang layo ng character ko talaga kay Daisy, so winorkshop talaga namin ni Direk Roman.
“Nag-uusap talaga kami every night para himayin talaga kung sino ba talaga si Daisy. Very challenging talaga siya sa akin pero feeling ko naman, nagawa namin nang mabuti,” Kylie even added.
Wala namang kupas sa acting ang co-star nila rito na si Jaclyn Jose lalo na sa mga pagmumura scenes niya na talagang masasabi mong agaw-eksena.
Pero hindi rin naman nagpahuli sa aktingan sina Alma Moreno at Louise delos Reyes at hindi naman masasabing extra lang sila sa nasabing pelikula, ‘noh!
‘Yun nga lang talaga, daig sila ng lolah ko, hahaha!
Joke lang, Jaclyn. Insert smiley, ☺!
O, siya, ‘yun lang and I thank you.
Comments