top of page
Search
BULGAR

Tanggap na maraming bashers… VICE SA MGA GALIT SA KANYA: LOSERS!

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 1, 2022



Muling bumanat ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa kanyang mga bashers sa social media. Sa nakaraang episode ng Everybody Sing, naikuwento ng isang contestant na lagi raw niyang ipinagtatanggol si Vice sa tuwing may namba-bash sa Unkabogable Star.


Himutok ni Vice, "Sa social media, laging bina-bash ako. Ako 'yung the most followed personality in social media pero ang dami ring namba-bash sa akin."


May kasabihan nga na you can't please everybody, kaya't iniintindi na lamang niya ang mga pumupuna sa kanya.


"Kahit ano pang sabihin ko, 'di naman naniniwala 'yan, 'di ba? Kasi nga, hater ko sila, mga basher ko sila (at) never ko silang mapapaniwala kahit ano pang explain ko. Never, kasi to begin with, you don't like me. So whatever I do, tama man o maganda 'yan, you will never like it," aniya sa mga bashers niya.


"Because you don't like me," dagdag pa niya.


Kaya no point daw para siya'y mag-explain pa.


"And you know, bashers and haters, all of them are losers. And I don't want to talk to losers," mariin pa niyang sambit.


Nagpapasalamat naman si Vice sa kanyang mga supporters na ipinagtatanggol siya gaya ng nasabing contestant sa ES.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page