top of page
Search
  • BULGAR

Tanggap na 'di na babalikan ni Kathryn… DANIEL, RICH GIRL SA BATANGAS ANG BAGONG LABS

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 25, 2024



Showbiz news

Mukhang tanggap na ni Daniel Padilla na never na talaga siyang babalikan ng ex-GF niyang si Kathryn Bernardo. 


According to some showbiz Marites kasi ay may bagong nililigawan si Daniel na taga-Batangas.


And take note, rich girl daw ang apple of the eyes ngayon ni DJ. Taga-Tanauan diumano ito at marami raw negosyo ang mga magulang.


In fact, ang ama ng babae ay naging business partner daw ni Daniel.


Well, no wonder daw na mas piniling magdiwang ni DJ ng kanyang recent birthday sa Batangas.


Ayon sa pagsasaliksik ng press, a check with the girl’s social media account would confirm na pina-follow nga siya ni Daniel.


Ayon naman sa nakararami, walang masamang maghanap ng bagong karelasyon si Daniel dahil single ang status niya.


Karapatan naman niya na muling umibig with matching background music that goes…


“Kapag tumibok ang puso…”, yes, boom ganern!


‘Yun nga lang, unang nabalita na may mutual understanding na raw sina Kathryn at Alden Richards, na ewan nga lang kung para lang ba sa maagang promo ng kanilang reunion movie na may playdate na sa November.


Ang tanong, sino kaya sa kanila ni Kathryn ang mauunang magkarelasyon?


Si Kathryn na ka-MU na si Alden which is just one step closer to a full-fledged romance o si Daniel na nasa ligawan stage pa lang?


O, sagutin n’yo ‘yan, mga Marites at tribu ni Mosang, okidoki?


 

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon sa Pride Month, hatid ni Kapamilya anchor Bernadette Sembrano ang kuwento ng pag-iibigan nina power belter Sheryn Regis at partner niyang si Mel de Guia, pati ang kanilang adbokasiya para sa LGBTQIA+ community ngayong Linggo (Hunyo 23) sa Tao Po.


Isang proud advocate si Sheryn para sa LGBTQIA+ community na ngayo’y ginagamit din ang kanyang tinig para magbigay-liwanag sa mga pinagdaraanan at hinahangad ng komunidad.


Sa pagdayo ni Bernadette sa kanilang restaurant sa Laguna, dito ibabahagi nina Sheryn at Mel kung paano nagsimula ang kanilang love story at ang mga hamong kanilang hinarap.


Abangan 'yan ngayong Linggo sa Tao Po, 6:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News, YouTube Channel, at iWantTFC.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page