top of page
Search
BULGAR

Tanggap na ang karibal ang reyna… KAREN, UMAMING NAHIRAPAN NA PINAGSASABONG SILA NI KORINA

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 1, 2022




Naganap na ang sinasabing imposibleng 'one-on-one' interview sa Korina Interviews na ipinalabas sa NET25 at sa kanilang YouTube channel last Sunday kung saan harap-harapang tinanong ni Korina Sanchez-Roxas si Karen Davila kung bakit sila pinag-aaway.


Sa bandang huli nga ng exclusive interview ni Korina, sinagot ito ni Karen ng, "Eh, kasi naman, ikaw 'yung reyna."


Say naman ni Ate Koring, “Teka muna, 'wag mo munang sagutin, sandali, kakain pa tayo ng salad…” at saka sila nag-high five at nagtawanan.


Nag-prepare nga si Karen ng pomelo salad with cashew nuts and carrots at flourless chocolate cake. Sa pagbabalik ng Korina Interviews ay sinimulan na nilang kainin ang healthy salad na inaming favorite rin ni Ate Koring at may pang-aasar pa ito kay Karen na, "So, kakain na tayo. Kung makakain ka?"


Para sa maraming taga-industriya, ang one-on-one sa pagitan nina Korina at Karen ay imposible at 'di nga makapaniwala na sinagot naman ni Korina, "Bakit, ano ba'ng problema n'yo? Saan n'yo ba nakukuha 'yan at bakit ba ang tingin n'yo, magkagalit kami ni Karen Davila?"


Sagot naman ni Karen, "Ang feeling ko, siguro nga, work wise, parang it's a competitive environment where we used to work. So, parang they always pit people against each other. Let's say after Korina, nand'yan si Karen, at napakahirap nu'n for any woman, kasi nga, you feel minsan, either may hinahabol ka or hinahabol ka. You understand."


Napag-usapan na ang dalawa bilang “magkalaban” sa kanilang dating network na ABS-CBN mula noong 90’s, kaya never pa silang nagkatrabaho sa isang proyekto.


Pag-amin pa ng panghihinayang ni Karen, "I would have to say this, from the bottom of my heart, ako sa pananaw ko, isa sa mga nasayang na panahon ko sa ABS-CBN is 'yung hindi kita nakilala noon. I'll be honest, dahil siguro pareho talagang busy.


"But I feel, it was lost opportunity for me, for both of us. I wish, I have gotten to know then. Even as a mentor, ha, and the whole experience of getting to know you. We never got to do that."


Nag-agree naman si Korina, dahil sobrang busy nga nila sa work, iba-iba ang schedules nila. Kahit si Bernadette Sembrano at Loren Legarda, ay hindi rin niya masyadong nakakatsikahan, dahil ang palagi niyang nakakasama ay si Ted Failon na partner niya.


Naloka nga si Korina nang humirit ng tanong si Karen kung niligawan pa siya ni Ted, na that time daw ay may asawa na, kaya parang wala namang ligawang nangyari.


Paglilinaw pa ni Korina, naunahan pa raw ng intriga na since pinalitan siya ni Karen sa TV Patrol ay baka nagalit siya. Desisyon daw 'yun ng management. In-invite pa raw niya si Karen nang tumakbo ang asawa na si Mar Roxas.


Sa middle part ng interview, hindi nga napigilang maluha ni Karen sa pagkukuwento sa kanilang pinagdaanan na mag-asawa sa pagkakaroon ng 'special child' na muntik na palang mamatay sa kanilang harapan noong 2019.


Marami pang rebelasyon si Karen sa buhay niya, kagulat-gulat lalo na 'yung pinagdaanan niyang depresyon.


Napapanood tuwing Linggo, ika-5 ng hapon ang Korina Interviews sa NET25, at puwedeng balik-balik ang mga episodes sa kanilang YouTube channel.


Dagdag-rebelasyon pa ni Ate Koring, “I didn’t know that Karen and I have so many things in our lives in-common. And it really surprised me."


Puring-puri naman ng mga netizens sina Korina at Karen sa kanilang masaya at mapusong kuwentuhan, na tanging sa NET25 lang naganap.


Wish ng mga netizens, magkaroon ng part two, dahil sobrang bitin talaga ang episode na ito.


At dahil naging matagumpay ang pagtatagpong ito, aabangan naman ang pagge-guest ni Korina sa YT vlog ni Karen.


May nagwi-wish din na sana raw sa mga future episodes ay isa si Jessica Soho sa mga mai-feature ni Ate Koring, na for sure, pag-uusapan din nang husto ang kanilang pagtatapat.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page