ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 21, 2021
Nag-umpisa nang mag-locked-in taping si Paolo Contis sa seryeng I Left My Heart in Sorsogon kasama si Heart Evangelista. Nag-effort siyang magbawas ng timbang para bumagay sa kanyang role sa serye.
Hindi naman kailangan ng adjustment sa kanilang working relationship ni Heart. Pamilyar naman sila sa isat isa.
At versatile actor naman si Paolo kahit na sa Bubble Gang siya regular na napapanood. Kaya naman niyang gumanap sa seryosong role.
Marami ang nagsasabing magmula nang makarelasyon ni Paolo si LJ Reyes ay nagbago na rin ang working attitude niya. Mas naging professional siya sa trabaho. Nagkaroon ng focus at direction ang kanyang career. Naging inspirasyon niya si LJ at ang anak nilang si Summer.
Marami rin ang pumupuri kay Paolo Contis dahil sa ipinakikita niyang pagmamahal at pagmamalasakit sa anak ni LJ na si Akihiro. Katunayan, ipina-tattoo pa ni Paolo sa kanyang katawan ang pangalan ni Akihiro para patunayan na tanggap niya ito bilang anak.
Nagkaroon ng father figure ang anak nina LJ at Paulo Avelino sa katauhan ni Paolo Contis. Very protective si Paolo sa kanilang mga anak ni LJ. Hindi siya papayag na mabu-bully ng sinuman ang mga bata.
At recently, isang basher ang kanyang sinagot/pinatulan dahil nilait ang hitsura ni Baby Summer. Hindi niya papayagan na may mang-api sa mga anak.
Hindi naman war freak na tao si Paolo Contis. Marunong siyang rumespeto sa kapwa. Pero, hindi niya mapapalampas ang mga bashers na walang alam gawin kundi manira, na pati mga inosenteng bata ay idinadamay.
Comentarios