top of page
Search
BULGAR

Tanggal stress na, dagdag-kita pa!... Libangan na puwedeng pagkakitaan habang naka-work from home

ni Jersy Sanchez - @No Problem| November 9, 2020




Karamihan sa atin ay naka-work from home kung saan halos lahat ay pabor dito dahil kahit paano ay mas may time para sa pamilya, pero mayroon ding super-stressed at halos walang pahinga. Kaya naman hindi maitatangging kailangan nating maghanap ng hobby o pagkakaabalahan para labanan ang stress.


Pero wait, there’s more, besh. Knows n’yo ba na puwede ring pagkakitaan ang hobby na ito? Narito ang ilang sideline o raket na puwedeng gawin habang naka-work from home:

  1. ONLINE FOOD SELLING. Isa ito sa mga pinakapatok na business ngayong community quarantine. Kaya kung passion mo ang pagluluto at may nalalaman kang special recipes, why not subukan ito?

  2. COACHING AT ONLINE LESSONS. Puwede kang magbigay ng virtual coaching at online lessons depende sa hobby at interes mo bilang pandagdag sa savings. Mga bes, hindi lang ito para sa mga titser sa iskul dahil puwede rin ito sa iba’t ibang uri ng services. Halimbawa, marami kang alam na physical routines na kadalasan mong ginagawa sa gym, puwede kang maging fitness coach. Gayundin, puwede kang mag-virtual assistant o voice coach.

  3. EDITING SERVICES. Bukod sa online selling, patok din ang ganitong serbisyo. Rito puwedeng ipa-proofread o edit ng mga mag-aaral o researcher ang kanilang mga papel o thesis. Gayunman, kung may talent ka sa graphic design, oks din itong pagkakitaan sa pamamagitan ng pagtanggap ng commission. Make sure lang na nababayaran kayo nang tama base sa oras at skills na gagamitin mo.

  4. SMURFING AT ONLINE GAME MARKET. Ang “smurfing” ay pagpapataas ng rank ng isang player sa online games. Puwedeng bayaran ng isang tao ang “smurfer” para pataasin ang kanyang rank. Oks ding gumawa ng bagong account ang smurfer para ibenta sa iba.

Ilan lang ito sa maaari mong pasuking sideline habang nasa bahay bilang pandagdag-income. Hindi ba, masayang kumita mula sa bagay na gusto mo talagang gawin?


Kaya para sa mga beshy natin d’yan na sawa nang tumutok lang sa trabaho habang nasa bahay, make sure to try these side hustles. Okie?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page