ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 22, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ronald ng Makati.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nakabili ako ng isang ektaryang lupa sa probinsya namin. Nag-housing loan ako, at pinatayuan ko ito ng aking dreamhouse.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Ronald
Sa iyo, Ronald,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakabili ka ng lupa sa probinsya ay kasaganahan at pagiging malaya sa lahat ng bagay. Yayaman at walang makikialam o manghihimasok sa buhay mo.
Ang bilang na isa ay nangangahulugan ng mag-isang pamumuhay. Matulungin ka sa iyong kapwa. Nasisiyahan ka kapag lahat ng kaibigan mo ay natutulungan mo. Pero 'pag ikaw naman ang naipit at nangailangan, wala kahit isa ang tumutulong sa iyo.
Gayunman, masaya ka na rin naman dahil sikat at malakas ang iyong karisma.
Samantala, ang nag-housing loan ka para makapagpatayo ng dreamhouse ay senyales na magiging matagumpay ang iyong negosyo. Kikita ka ng malaki at makakapagpatayo ka pa ng panibagong negosyo. Ito rin ay sumisimbolo na makakapag-asawa ka na at magiging maligaya ang inyong pagsasama.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments