ni Delle Primo - @Sports | April 27, 2022
Hinigpitan ng Far Eastern University Tamaraws ang kapit sa 67-62 na panalo kontra De La Salle University (DLSU) Green Archers sa 2nd round ng UAAP Season 84 Men's Basketball Tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa unang laro kahapon.
Nagpakita ng impresibong laro si RJ Abbarientos sa naiposteng 21 puntos at 3 rebounds para makamit ng Tamaraws ang pagwawagi. Katuwang niya sina Xyrus Torres na nakapagtala ng 14 puntos at Patrick Sleat para sa 10 puntos sa pagtatapos.
Sa umpisa ng unang kalahati ng laro nagpakita ng lakas ang Tamaraws sa 13 puntos na bentahe nagpatapos ng 42-29.
Samantalang naging mainit ang ikatlong canto sa paggising ng Archers sa pagtatala ng 57-57 sa 2:48 mark at nang ma-injured si Evan Nelle.
Tinangkang lumaban sa huling yugto ang La Salle sa natitirang 7.7 ng laro subalit mahigpit ang kapit ng FEU at kinulang na sa oras ang Archers. Nabalewala naman ang nagbigay-liwanag sa kampo ng Archers na si Evan Nelle na nagtarak ng 15 puntos at 7 rebounds kasama sina Justine Baltazar na nagbigay 13 puntos habang may 10 puntos si Kurt Lojera.
Ang dalawang pangkat ay maglalaro sa Huwebes, Abril 28. Haharapin ng DLSU ang Adamson Falcons nang 12:30 n.t. habang ang FEU vs. Ateneo nang 4:30 p.m.
Samantala, pinayuko ng UP Maroons ang UE Red Warriors sa 81-68. Nanatiling matatag ang UP sa pag-usad ng 10-2 marka parehas ng Adamson at Blue Eagles.
Naging top scorer sa Fighting Maroons si Zavier Lucero sa 20 puntos at 14 rebounds kasunod sina Ricci Rivero sa 17 puntos at CJ Casino para 8 puntos.
Sa umpisa ng laro, nanguna na ang Maroons ng 18 puntos na bentahe at hindi binigyan ng tsansa ang UE at agawin ang panalo sa 44-26 sa first half.
Nakatakdang maglaro sa Huwebes, Abril 28, ang UE kontra NU Bulldogs nang 10 a.m., habang ang UP vs. UST Tigers nang 7 p.m.
ความคิดเห็น