top of page
Search
  • BULGAR

Tamang paraan para harapin ang toxic na kamag-anak

ni Justine Daguno - @Life and Style | August 20, 2020




Araw-araw ay magkakaibang tao ang ating nakakasalamuha, sa personal man o sa internet lang. Bawat isa ay may kani-kanyang personalidad kung saan may mga makikilala tayong magki-click sa ating ugali o ‘ika nga ay “same vibe”, at siyempre, meron din namang hindi.


Well, panigurado ay marami na rin sa atin ang naka-encounter na ng “rude people”—kamag-anak man ito, workmate, schoolmate, stranger lang at iba pa.


Dahil hindi maiiwasan ‘yan, narito ang ilan sa mga bagay na puwede nating gawin kapag may mga ganyang tao tayong nakasalamuha.

1. MAG-“THANK YOU”. Ayon sa psychology, ang pagsasabi ng “thank you” sa kabila ng insulto na ibinato sa ‘yo ay hindi nangangahulugang tinatanggap mo ito. Isa lamang itong matalino at simpleng “response” na epektibong pangtapos ng usapan nang hindi nakikibahagi sa bastos niyang pag-uugali.

2. TAPUSIN AGAD ANG USAPAN. Ang mga taong bastos ay hindi nagpapatalo sa argumento. Hindi ito nakikinig sa paliwanag, rason o punto ng iba, nakapokus lamang ito sa pambabara na sa palagay niya ay tama o ikinataas ng tingin niya sa kanyang sarili. Kaya kung sa palagay mo ay walang magandang dulot ang sa ‘yo ang usapan, ‘wag na itong patagalin pa.

3. MAGTANONG. Minsan, nasasabihan tayo ng mga bagay na nakaka-offend pero hindi aware ang ating kausap o nagsabi nito. Kaya, isang paraan para mag-voice out nang hindi nang-aaway ay idaan ito sa katanungan. Ito ay upang maiwasan ang misunderstanding o hindi pagkakaunawaan.

4. TAWANAN ITO. Ang pagtawa sa isang bastos na puna ay nagpapakita na walang “negativity” ang makasisira sa iyong inner peace. Ang maganda rito ay kung gagawin mo ito “in a sarcastic way” nang sa gayun ay mag-iwan ito ng inis o pagkadismaya sa nambastos sa ‘yo.

5. DIREKTANG SABIHIN ANG PAMBABASTOS. Hindi ka magrarason sa sinabi o nagawa niya, kundi ipamumukha mo na hindi ka komportable o na-offend ka. Minsan ay hindi alam ng iba, offensive na ang kanilang nasasabi dahil sa tingin nila ay “biro lang” ito o “wala lang” o natural sa kanila na gawin ‘yun. Tandaan, ‘wag mang-tolerate ng tao, lalo na kapag hindi maganda ang ginagawa nito.

Ang mga “response” na ating nasabi ay depende sa bigat ng sitwasyon o pangyayari. Gayunman, kailanman ay hindi katanggap-tanggap ang pambabastos—madalas hindi lamang ito basta salita o aksiyon na kapag nasabi o nagawa na sa ‘yo ay tapos na. ‘Wag hayaan ang ganitong bagay dahil hindi lamang ito kasasanayan ng iba sa ‘yo kundi magiging habit mo rin ang tumanggap nito. Gets mo?!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page