ni Jersy Sanchez - @Life and Style| December 16, 2020
Mag-upgrade ng gadget, bagong mga damit at sapatos, panregalo sa mga kapamilya, kaibigan at inaanak at kung anu-ano pa. Ilan lang ‘yan sa mga kadalasang pinagkakagastusan ng karamihan pagdating ng kanilang 13th month pay at Christmas bonus.
Pero ngayong taon, malamang na nag-iba na ang prayoridad ng karamihan, kaya siyempre, marami ring nagtatanong kung anu-ano nga ba ang mga bagay na dapat paglaanan ng perang ito?
MAGBAYAD NG UTANG. Masayang mag-celebrate ng Pasko nang walang utang. Kaya kung nagkaroon ka man ng utang dahil sa pandemic, it’s time para bayaran ito. Kung hindi naman kayang bayaran lahat dahil may iba pang gastusin, oks din kung babawasan muna ito. Ang importante, nababayaran natin kahit paunti-unti.
EMERGENCY FUND. Dahil sa pandemya, nakita natin ang halaga ng pagkakaroon ng emergency fund. Ito ay para maging kampante tayo na mayroon tayong madudukot sa oras ng agarang pangangailangan. Kung wala pang gaanong alam tungkol dito, ito ang pinaka-basic na kaalaman: Kailangang mayroon kang hiwalay na savings account kung saan dapat ang laman nito ay at least 3 months worth ng iyong buwanang sahod. Sapat na ito para ma-cover ang mga biglaang gastos, lalo na kung may nagkasakit sa pamilya o iba pang emergency.
LIFE INSURANCE. Isa pa ito, mga besh. Kabilang ito sa mga pinaka-worth it na pagkagastusan ng pera dahil maaari mo itong magamit, gayundin ang iyong pamilya. Kung may existing insurance ka na, puwede mo rin itong i-upgrade.
PLANUHIN ANG RETIREMENT. Aminin, karamihan sa mga Pinoy ay walang retirement plan, kaya ang ending, kailangang kumayod kahit matanda na. Marahil, hindi pa ito naiisip ng marami sa atin, pero mga besh, sa totoo lang, mas magandang planuhin ito hangga’t maaga.
MAG-INVEST SA PERSONAL GROWTH. Kung matagal mo nang pangarap um-attend ng workshop, go! Puwede ka ring mag-enroll ng short courses na gustung-gusto mong aralin o bumili ng art materials kung ‘yun ang iyong hilig. Walang masama sa paggastos para sa personal growth dahil para ito sa ikaliligaya mo.
DONATE. Kung walang gaanong pagkakagastusan at may sapat ka namang ipon para sa mga susunod na araw o panahon, why not share? Napakaraming nagsasagawa ng donation drive ngayon, kaya for sure, maraming makikinabang dito. Paalala lang, tiyaking legit ang mapipili mong organisasyon o grupong tutulungan para mapunta sa tamang tao ang tulong na ibibigay mo.
For sure, nagkaroon kayo ng ideya kung saan gagastusin ang inyong matatanggap na 13th month pay at bonus. Gayunman, hangga’t maaga, tiyaking naka-budget at planado ang gastusin para alam natin kung saan ito mapupunta.
Make sure rin na ibabahagi n’yo ng tips na ito sa inyong mga katrabaho, kapamilya at kaibigan. Oks ba, ka-BULGAR?
Kommentare