top of page
Search
BULGAR

Tamang paglilinis para matanggal ang amoy ng damit na nabili sa ukay-ukay

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| March 2, 2021





Sino pa bang hindi nakakapag-ukay-ukay? For sure, marami na sa atin ang halos tambay sa ukay-ukay dahil bukod sa mura ang mga damit doon, kadalasan ay branded at maganda pa ang quality. Agree?


Pero hindi lang tiyaga sa paghahanap ng mga bet nating bilhin ang ating kailangan dahil pagkatapos mag-shopping ay kailangan naman nating labhan ang mga ito bago suotin. Kaya ang tanong, paano nga ba ang tamang paglilinis ng mga damit o gamit na nabili sa ukay-ukay?


Worry no more dahil narito na ang ilang tips para malinis nang maayos at matanggal ang amoy ng ating “ukay finds”:


  1. FOR “DRY CLEAN ONLY”. Para maiwasan ang damage sa damit, gawin ang dry cleaning. Ang kemikal na ginagamit sa dry cleaning ay tinatawag na perchloroethylene, isang germ at bacteria-killing machine.

  2. FOR STURDY, MACHINE WASHABLE PIECES. Gumamit ng mainit na tubig, gayundin, patuyuin ang mga ito gamit ang highest heat. Oks lang na paabutin sa 140-150 F ang temperatura sa cleaning process para mapatay ang anumang germs, bed bugs at itlog nito.

  3. FOR DELICATES. Hugasan ito gamit ang kaunting baby shampoo na nakahalo sa anti-bacterial hand soap. Beshies, applicable rin ito sa mga damit na hindi kaya ang mataas na temperatura ng dryer.

  4. SHOES & ACCESSORIES. Yes, besh, kailangan din nila ng cleaning! Punasan lamang ito ng alcohol o disinfectant wipe, pero bago ito tuluyang linisin, gawin muna ang spot test para makasigurado na hindi masisira ng solution ang material.


Ngayong alam na natin kung paano lilinisin ang ating “ukay finds”, narito naman ang mga hakbang para matanggal ang amoy nito:


  • BAKING SODA. Ibudbod ang baking soda sa damit na nais tanggalan ng amoy at ibabad ito sa loob ng ilang oras bago labhan. Baligtarin ang damit at ilatag sa sahig na may sapin at saka budburan ng baking soda ang bawat side at ibabad. Pagkalipas ng ilang oras, puwede na itong idiretso sa washer at saka labhan.

  • VINEGAR. Maglagay ng 1/2 cup ng suka sa “rinse” cycle ng iyong washer o palitan ng suka ang iyong detergent at gawin ang paglalaba sa iyong nakasanayang paraan.


Gayunman, kung gagamitin itong pamalit sa sabon, ang 1/2 cup ay kasya na sa “small load”, pero gawin itong 1 cup kung mas marami ang lalabhang damit. Ang suka ay hindi lamang nagtatanggal ng amoy at nakapagpapa-fresh sa mga damit dahil kaya rin nitong palambutin ang mga ito. Make sure lang na distilled white vinegar o ‘yung clear ang inyong gagamitin.


  • NATURAL MINERALS. Gumamit ng laundry enhancer na mayroong four earth minerals – soda ash, magnesium oxide, zinc oxide at titanium dioxide – na nagnu-neutralize ng chemical odors, sweat at body odors, fragrances at perfumes, mildew smell, storage smells at iba pa.


Para gamitin, maglagay ng isang scoop sa washer kasama ang regular detergent saka labhan ang mga damit na nais linisin.


Mga beshies, madali lang, ‘di ba? Kaya sa susunod n’yong ukay-ukay shopping, make sure to try these steps para mas komportable at pak na pak nating mairampa ang ating “ukay outfits”. Gets mo?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page